It was a month ago nung una naming i-announce na magkakaroon ng GFD si Marvin AGustin dito sa Atlas Publishing sa August 28, 1998, 2:00 p.m.
Hindi namin inaasahang ganoon pala karami ang mga taong nagmamahal kay Marvin. Maaga pa lang ay nakapila na sila sa labas ng gate namin.
No less than the star of 'Prangka Ka John ng CPM na very popular ngayon na si John Lapuz. Although si Marvin ang star noong araw na yon ay nagpaunlak din ng kanilang special numbers ang mga naimbitahang guests. Nagkagulo at halos mabingi kami sa hiyawan ng mga fans nang ipakilala ang apat na bagets na sina Jefferson Long, Stefano Mori, Michael Roy Jornales at Carlo Aquino. Sumunod na naghandog awitin sina Julia Clarete, Dimples Romana at Nikki Valdez. Dumating rin si Ms. Sylvia Sanchez na kasama ni Marvin sa Esperanza para bumati sa fans day niya.
It's Marvin's turn to go to stage. Tinawag pa lang ng host ang next number ay tilian na nang tilian ang mga fans. Nagpakitang gilas sa pagsayaw sa saliw ng She's Got the Look sina Marvin, John Prats at ang Big Men na sinundan pa ng iba pang mga programa. Nang matapos ay sinimulan naman ang picture taking at autograph signing kung saan dinumog nang husto si Marvin. Kahit pawis na pawis na ay smile pa rin ang binata kaya tuwang-tuwa sa kanya ang lahat. Super saya at talagang naging napaka-successful ang proyektong ito ng TEEN.
Special thanks sa mga press na nagsidalo na sina Ghimby Perez, James Tekiko, Rgee Gaspar, Reggee Bonoan, Mildred Bacud at Boy Romero. Ang mga fans na sumusuporta kay Marvin, ang Sweet Friends of Marvin, Solid Jolina Fans Club, Matinee Idol Marvin at JPA Marvin Agustin Fans Club at iba pang mga fans. Nagpapasalamat rin kami sa mga taga-CPM, SLP at Star Music Video na siyang nag-coverage ng affair. Nagpapasalamat din si Nars Gulmatico at ang bago niyang PRO na si Ruben Marasigan sa lahat ng tumulong para maging successful ang GFD ni Marvin dito sa Atlas Publishing Company. Hanggang sa muli, maraming-maraming salamat po!