Megahit sa takilya ang Labs Kita, Okay Ka Lang? na laundhinb movie ng loveteam nina MAJ. Higit sa inaasahan ng Star Cinema at ng mga taong nakasuporta sa kanilang tambalan ang box office record na naitala ng pelikula nilang iyon. Kung ikukumpara nga raw sa naging gross ng DMNMK at I'm Sorry My Love, mas malaki nga umano ang kinita ng pelikula nina MAJ. Patunay na sila na ang hottest loveteam sa kasalukuyan. 'Yon nga lang, parang isang puna na hitik sa bunga -- binabato ng kung anu-anong intriga sa ngayon ang dalawa. At expected nang masusuog sila sa ganoong sitwasyon dahil it was already proven na made at malakas na ang hatak ng kanilang team-up. But the, wari'y hindi naman naaapektuhan sina MAJ. Kaya siguro mas tumitindi pa ang paghahangad ng mga taong ang intensiyon ay sirain hindi lang ang kanilang loveteam kundi pati 'yong maganda nilang samahan na -- gatungan pang lalo ng mga karagdagang isyu ang maintriga nang kinatatyuan ng dalawang young stars.
"Wala namang epekto yon sa amin niJolina," kalmadong reaksiyon ni Marvin last time na makakuwentuhan namin ang binata.
"Ngayon namin dapat pagtiwalaan ang isa't isa. I mean -- marami talaga ang nang-iintriga. Na obvious na gusto nga nila kaming pag-awayin ni Jolina. And for us -- it's a test kung gaano na ka-strong ang pundasyon ng samahan namin. At kung gaano kahalaga ang isa't isa."
Hindi lang sila ni Jolina ang pinu-provoke na magkaintrigahan. Nadadamay na rin sa usapin ang parents ng young actress at maging ang mommy ni Marvin. Kamakailan ay napabalitang napahiya umano si Mrs. Cuyugan na dinedma-deadma lang daw ng Mommy ni Jolina nang magkita ang dalawa sa premiere night ng Labs Kita ... at naiyak pa raw ang una.
"Hindi ko alam 'yung tungkol doon. It's true na naiiyak-iyak si Mommy after ng premiere night. When I asked her, sabi niya --- tears of joy dahil very successful nga 'yong advance screening noong movie na ang daming nanood at nagpakita ng support sa amin ni Jolina. Eh si mommy, siya 'yong tipong mababaw ang luha kung tawagin. She's a very, very emotional person. Madali siyang ma-touch. Ang dali-daling bumigay ng kanyang emosyon. So... 'yon!"
May napabalita ring nag-away daw sila ni Jolina sa Mario's na naging venue ng dinner blow out pagkatapos ng premiere night. Sa isang sulok malapit sa restroom ng nasabing restaurant, may mga nakakita umano nang hilahin ni Marvin si Jolina at nang magkaroon ng mainitang komprontasyon ang dalawa. And the height tungkol sa nabanggit na intriga -- minura-mura pa raw ni Marvin si Jolina.
"Ako...mumurahin si Jolina? Aba ... ang tindi nang intrigang 'yan, ah! Sobra!Kahit anong tindi pa ng galit ko, malakas ang kontrol ko ko sa anger ko at sa mga words na nasasabi ko. Lumaki ako at nagkaisip na busog sa pangaral at alam ang tamang values na panghahawakan. Sa kahit anong sitwasyon o pagkakataon, hindi pa nangyayari na maging temperamental ako. Mahaba ang pasensiya ko. Mahirap akong i-provoke na mag-burst out. Kapag may sumpong ako, medyo iritado o mainit ang ulo, madalas ay tahimik lang ako. And if it happens na nagta-tantrums ako, hanggang pa-simpleng pagmamaktol lang. Kung may nakakasamaan ako ng loob, malumanay ako kung makipag-usap. Mas gusto ko 'yong idadaan na lang sa diplomasya kung anuman 'yung problema. Doon sa Mario's, totoong hinila ko sa isang tabi si Jolina. That time kasi, meron kaming konting misunderstanding na gusto kong ma-settle namin. Pero maayos naman 'yong sandali lang na pag-uusap namin. Before that kasi, nagkakaasaran na kami. Kasi late siyang dumating, kaya medyo tinotoyo ako. Nairita naman si Jolina sa tanong ko kung bakit siya late. 'Yon -- para kaming aso't pusa that time. Understandable naman kung bakit pareho kaming may sumpong at konting bagay lang eh ... nagkatampuhan na. Siyempre, pareho kaming tensiyonado at medyo pressured at kinakaba-kabahan dahil premiere night nga ng pelikula namin. After that, naghanap ako ng tiyempo to talk to her kaya nagkaroon ng konting drama at kulitan. Pero hindi away. Noon ko pa naman sinasabi na isa si Jolina sa pinaka-special na tao sa buhay ko. At hindi ko siya magagawang saktan. Lalong hindi ko siyang kayang murahin. Bukod sa hindi ko ngang ugaling magmura, malaki ang respeto ko sa kanya. I really just can't affor to hurt her. Anumang nakakasakit ng feeling niya'y masakit din para sa akin. Of course, normal lang yon pagkakaroon ng tampuhan. Pero matinding away, wala pa. Sana naman, mahinto na 'yong pang-iintriga sa aming dalawa. Hindi sa naapektuhan kami pero ... we deserve din naman siguro to have peace of mind and --- be happy," ani Marvin bago tuluyang nagtapos ang pakikipagtalamitan namin sa kanya.