Just like any other human beings ay may mga pagkakamali ring nagagawa ang mga youngstars. Afterall, tao rin lang naman sila. At kung mayroon mang masarap pagkuwentuhan about our life, ito na 'yung time na napahiya tayo. Tipo bang pang bloopers ang dating, nakakahiya pero nakakatuwa. Teen bloopers, ang mga nakakatuwa, nakakahiya at nakakabaliw na karanasan ng inyong mga paboritong youngstars.
MARVIN AGUSTIN: Siguro mga grade six pa lang ako nu'n. Inaya ako ng classmate ko na maglaro ng pusoy dos. That time ay walang klase kaya pumayag ako. Kaso biglang dumating ang teacher namin at nahuli kami. Ang ginagawang parusa pinaluhod kami ng mga kaklase noon sa malapit sa hagdanan. Nakakahiya kasi recess time nu'n kaya ang daming mga estudyanteng nakakakita sa amin. Namutla ako sa sobrang hiya.
***This article is edited***