NAIIRITA NA SI JOLINA

by: Lito Manago (Teen Movie Magazine 09/02/98)



Naiirita na rin si Jolina sa mga nababasa't naririnig niya. Nilinaw niya sa amin ang balitang galing sa kampo niya ang isyu.

"Unagn-uan, bakit kami maninira? Hindi ko ugali at ng pamilya ko ang manira ng kapwa. Narating ko 'yung ganitong level hindi ko sinasabing sikat ako na wala akong tinatapakan at ginagamit na tao. Lahat ng blessings na dumating sa akin, pinaghirapan ko. Tapos, sasabihin nilang sinisiraan ng parents ko si Marvin. Saan ba talaga nanggaling 'yung isyu na 'yan na galit si mommy sa kanya? Hindi ko sinasabing kay Marvin nanggaling pero definitely, hindi sa amin. Unreasonable 'yung sinasabi nilang kami ang naninira kay Marvin. Imbestigahan muna nila nang mabuti bago sila magsalita."

Inamin ni Jolina na hindi pa sila nakakapag-usap ni Marvin tungkol sa lumalalang isyu.

"Kapag nagkakasamamkami sa promo, hindi namin napag-uusapan. Pareho kaming walang time. Pero naniniwala naman ako na kung talagang pursigido siya na maayos ang lahat, pupunta siya mismo sa bahay namin para maklaro ang lahat. Bukas naman ang pintuan namin sa kanya," may himig hinanakit ang dalaga.


SEPTEMBER 1998