ALL'S WELL THAT ENDS WELL

by: Tonee Coraza (Teen Movie Magazine 09/02/98)



All's well that ends well. Tinapos na nga ang mga intriga between Marvin and Jolina's parents. Pinasinungalingan mismo ni Marvin ang lahat ng balitang lumabas na kesyo against daw ang mga magulang ni Jolina sa kanya.

On the contrary, close raw at parang isang tunay na anak na rin ang turing ng mga ito sa kanya. Dapat naman ay ganyan talaga. Tanggalin ang lahat ng negative vibes para maganda ang resulta ng movie sa takilya.

Wala naman kaming masasabi sa kooperasyon na ibinibigay ni Jolina sa promo. Hindi nagbabago ang ka-sweetan na ipinapakita niya sa kanyang ka-loveteam to the point na sabihan na siya ng mga intrigerang press people na kesyo lumalabas na mas may gusto siya kay marvin kaysa sa kanya rito.

Huwag na ring bigyan ng malisya ang paglabas ni Jolina with Franco Laurel ng Keep On Dancing dahil distant relatives silang dalawa.

Basta malakas ang chemistry ng team-up nila ni Marvin. Puwede nga silang ihalintulad noon sa loveteam nina Maricel at William. Nanghihinayang nga kami at hindi natuloy an g pagsalpukan sa takilya nila with Juday para malaman talaga kung kaninong loveteam at pelikula ang mas malakas. Unfortunately nagdagdag kasi ng scenes sa pelikula si Direk Jerry Sineneng kaya hindi sila umabot sa original playdate nito. 'Yon ang totoong dahilan at hindi 'yung umiwas daw sa pelikula ni Juday. Bakeeetttt???


SEPTEMBER 1998