Pinakilig at pina-inlove kami nina MAJ nang mapanood namin ang pelikulang Labs Kita...Okey Ka Lang? Feel na feel namin na may "relasyon" ang dalawa habang pinapanood namin ang pelikula. Jolina is excellent! Lalo na roon sa eksenang pinagtapat na niya finally kay Marvin na mahal niya ito nang higit pa sa isang kaibigan. Likewise, nagalingan din kami kay Marvin, lalo na roon sa naging reaksyon niya nang "magtapat" na sa kanya si Jolina. Bagay na bagay sina MAJ. May chemistry sila na nakita namin noon kina Maricel at William.
Nakadiskubre ng panibagong goldmine ang Star cinema sa loveteam ng dalawa. Balitang humataw talaga ito sa takilya. Kumustahin naman natin ang real score sa realsyon ng dalawa sa personal. Aminado si Marvin na mahal niya talaga si Jolina. Samantala, sinabi naman sa amin ni Jolina na sinunod lang niya ang hinihingi sa script ng movie nila kaya ganoon ang kinalabasan ng kanilang scenes.
Ows? Kung ganoon, bakit laging umiiyak si Jolina tuwing kinakanta niya ang theme song ng movie na Kapag Ako'y Nagmahal?
Pakisagot nga Mommy Magdangal!
Sa mga nakapanood pala ng pelikula, naunsyami ang kahilingan ng fans na makita ang kanilang idolo na may kissing scene. Walang nangyaring kissing sa lips. Pruo sa pisngi, noo at kamay lang. Kahit 19 na si Jolina, bawal pa rito ang makipag-kissing scene sa movies. Wala tayong magagawa kung conservative man ang pamilyang Magdangal. At least may aabangan ang fans sa susunod na movie ng dalawa. Baka sa next movie ay tuluyan nang maglapat ang kanilang mga labi. siyempre, konting suspense muna!