SUCCESSFUL PREMIERE NIGHT

by: Ruben marasigan (MovieStar Magazine 09/09/98)



Successful ang nakaraang premiere night ng pelikulang Labs Kita, Okay Ka Lang na launching movie ng loveteam nina MAJ. Hindi mahulugang-karayon sa dami ng mga fans na sumugod roon sa SM Megamall Cinema 10. Magulo at maingay ang paligid at wala pa sa kalahati ng crowd ang nagawang i-accomodate na makapasok sa nasabing sinehan.

May iba pa ngang nangungulit na kahit magkano ay bibilhin nila kung meron pang extra ticket for the said advance screening. Pero talagang sold out na ngang lahat kaya nakontento na lang ang mga ito na umistambay sa harap ng lobby ng Cinema 10 para abangan ang pagdaan nina MAJ.

Maganda ang kabuuan ng latest movie ng dalawa. Maraming mga eksenang todo kilig ang hatid sa kanilang mga tagahanga. May mga ma-emosyong tagpo rin na humaplos sa puso at ilang dramatic highlights kung saan naipamalas ng dalawang young stars ang kanilang improvement kung serious acting din lang ang pag-uusapan.

Ibang-ibang Marvin at Jolina kung ikukumpara sa first two films na nauna nilang ginawa o kaya'y doon sa napapanood na normal pa-cute nila on television. Medyo mature na ang characters na kanilang ipinu-portray sa latest movie nilang ito na idinirehe ni Jerry Sineneng.

As of this writing, palabas na sa sinehan sa MM ang pinakabagong offering na ito ng Star Cinema. Kung ibabase sa tagumpay ng premiere night nito, malamang na ganoon din kainit ang pagtanggap ng publiko sa regular showing ng nabanggit na proyekto. Hindi susugal ang Star Cinema kung mahina pa ang hatak ng MAJ tandem!

**********

Right after ng premiere night ng Labs Kita, Okay Ka Lang, sa Mario's malapit sa Megamall dumeretso ang cast ng nasabing pelikula pat na ang mga taga-Star Cinema. Mukhang tensiyonado si Marvin pero ngiti lang ang reaksiyon nito nang punahin namin.

Sa isang sulok ng nasabing restaurant, naroon ang Mommy ng young actor. Tingin namin, medyo naiiyak-iyak. Tears of joy kaya, dahil sa patuloy na sinusuwerte si Marvin sa kanyang career? Para kasing may narinig kaming bulung-bulungan na bago nag-start ang advance screening ng pelikula nina MAJ ay may namagitang tensiyon dahil umano'y naghihitad ang parents ng young actress. Na hindi namin gaanong sineryoso dahil baka may nang-iintriga nga lang.

Wala naman kasi kaming napansing anumang kadramahan. At hindi rin namin namataan sina Mr. and Mrs. Magdangal.

Doon sa Mario's sumilip kami saglit just to congarulate Marvin, wala roon si Jolina. PEro dumating daw ito right after we left the said place, mag-isa lang daw at hindi na kasama ang kanyang mga magulang. Tuloy ay andoon na naman 'yong duda na -- something's wrong talaga sa pagitan ng magkabilang panig.

Well...kung ang pakikinggan ang mga pahayag nina MAJ, wala naman umanong problema. Kunsabagay, anuman nga ang sitwasyon nila sa ngayon, walang ibang pinaka-importante kundi ang maprotektahan pa rin ang kanilang loveteam.

Sayang kung masisiran ng ganoon na lang ang kanilang tambalan na magkatuwang nilang pinaghirapan. Ngayon pa na sinasabing --- sila na ang hottest loveteam. At bankable na nga ang kanilang tandem.


SEPTEMBER 1998