MARVIN AND JOLINA IN DAVAO

by: Reuben Marasigan (Movie Flash Magazine 10/08/98)



Marvin Agustin with Jolina Magdangal plus, Wowie de Guzman equals a very successful show na nambulabog ng napakaraming tao. Pagsamahin ba naman ang nangungunang loveteam at ang isa pa sa ating hottest young actors sa ngayon, eh, di parang malakas na bagyo ang dating ng tatlo sa Davao City.

Ang special appearance nilang 'yon kaugnay ng ongoing provincial tour for the promotion of Carnation non-fat milk organized by Ms. June Rufino. si Marvin ang siyang naging host sa naturang show na ginanap sa Victoria Plaza Mall.

Paglabas ni Marvin onstage, nakakabinging tilian at sigawan ang isinalubong sa kanya ng mga Davaoenos. Aliw na aliw ang lahat sa opening dance number nito with a local dance group. Tuloy, ganadung-ganado ang Marvin sa paghataw hanggang sa ikalawa nitong dance number.

Siyempre pa, patatalbog ba naman si Wowie pagdating sa sayawan eh, dati siyang UMD? Pero this time, hindi lang sayaw, sing and dance pa ito.

Mas nakakarindi ang sigawan noong tawagin ang cute na cute na teen idol na kapareha niya sa mega-blockbuster na Labs Kita, Okey ka Lang?, na palabas pa rin ngayon at kasalukuyang pinipilahan sa Davao. Nagpatuloy ang makabasag-eardrum na tilian habang ang lahat ay kilig na kilig sa sobrang ka-sweetan ng dalawa onstage.

Isa samga moments na nagpasimuno ng pandemonium ay noong kantahin ni Marvin ang kanyang Nanghihinayang. On Jolina's part, kinanta naman nito ang Kapag Ako ang Nagmahal. Ang naging pampadagdag ng kilig at tilian ay noong mag-duet ang dalawa sa kantang You're Still the One. With matching holding hands, konting yakap at akbay at makahulugan nilang tinginan sa isa't isa, doon na nagkagulo ang mga tao. Riot ngang masasabi ang ginawang eksena nina MAJ sa Victoria Plaza Mall.

Bagama't may iba pa ring pilit na nang-iintriga, eh, happy together namang muli sina MAJ with agreement na hinding-hindi na sila papaapekto sa mga intriga ng showbiz.


PICTORIAL COVERAGE

OCTOBER 1998