MARVIN AVOIDS TALKING ABOUT JOLINA

by: Nitz Miralles (Movie Flash Magazine 10/08/98)



Nag-usap na raw sina MAJ pero halata pa rin ang pag-iiwasan at obvious pa ring naiilang sila sa isa't isa. Kapag magkasama, nagpapakiramdaman muna ang dalawa kung sino ang unang babati. Matatagalan daw bago maging close uli sina MAJ lalo na kung hindi sila mag-e-exert ng effort na mag-usap pati ang kanilang mga magulang.

There was a time raw na sa sobra ng sama ng loob ni Marvin kay Jolina, ayaw muna nitong marinig ang pangalan ng ka-loveteam at ayaw pag-usapan si Jolina. But at the same time, nakikita ng mga close rito na nahihirapan itong maggalit-galitan kay Jolina.

"Controlled ang feelings ng mga bagets. Gustuhin man siguro nilang mag-usap, naiisip pa rin nila ang nangyaring gulo sa kanilang pagitan. But at least, nag-uusap na uli sila," kuwento sa amin ng isang concerned sa tambalan ng dalawa.


OCTOBER 1998