MARVIN MISSES DAD

by: Ruben D. Marasigan (Megastar Magazine 10/10/98)



Dahil hanggang sa ngayon ay nasa kulungan pa rin ang father ni Marvin, hindi maiaalis na maghanap ng father image ang young actor sa mga nakaka-close na mature o may edad na. Iyon nga marahil ang dahilan kung bakit naging malapit ang loob niya kay Bembol Roco na pumapel bilang tatay niya sa soap operang Esperanza.

Marami ang nakakapuna na parang totohanang mag-ama na ang tratuhan ng dalawa. Na pati sa paglalaro ng tennis, madalas silang magkasama.

"Naging very close na talaga kami since matagal na rin lagi kaming nagkakasama sa taping. Tapos malapit din lang nag house namin sa kanila. Eh si Tatay Bembol kasi, he's the type na talagang like sa career o sa trabaho - siya yong natatanong ko. Na kung okey o kung paano ko pa mapapag-igihan. And well, alam naman nating lahat na magaling na artista si Tatay Bembol ko. So sa kanya nga ako nagtatanong athumihingi ng advice. Bilib ako sa pagiging magaling na aktor niya. Nagku-crossword puzzle siya habang nagsi-set-up tapos bago mag-take ilalapag niya 'yong puzzle na sinasagutan, and then kapag umarte na siya in front of the camera, kuha niya kaagad 'yong niri-require ng kanyang character o noong eksena. Eh sabi ko sa sarili ko ako, emote ako nang emote, hirap pa rin. Samantalang siya, isang tinginan lang, sapaw na laht. Yong tungkol sa mga pagtatanong ko about that at kung ano 'yong secrets, formula o maisi-share niyang tips, doon kami nagsimulang maging close. Na sabi niya - hindi nagagawa ng overnight kundi kina-characterized niya ang bawat roles na mapunta sa kanya. Isinasabuhay niya 'yong character. So kapag nag-take, naka-shift siya kaagad sa character niya. siya rin ang nag-encourage sa akin tungkol sa tennis. But so far, we just played twice. Beginner pa lang ako doon and meron siyang ibinigay sa akin na trainer na siyang nagtuturo sa akin ngayon. Hindi pa ako magaling maglaro. Pero one day, tatalunin ko rin si Tatay Bembol! Ha-ha-ha!"

Sa lahat ng natotokang gumanap na tatay niya kagaya rin nga ni Leo Martinez sa OIPP, parang tunay na father na nga raw niya ang kayang turing.

"Daddy Sixto ko naman siya. Pero hindi kami gaanong nagkakasama kundi sa taping lang namin. Unlike Tatay Bembol na magkalapit nga kami ng bahay. Ganoon pa man, medyo parang mag-tatay na rin nga kami. Na close din nga."

Si John Estrada, naging buddy-buddy na rin niya. Na meron silang Wednesday Club pang tinatawag. Kasama ang ilan pang cast ng Onli...

"Kung puwede ako at maaga kaming natapos mag-taping, gigimik muna kami bago ako tumuloy ng Baclaran para magsimba. Just to have some fun lang, kumbaga na after work eh medyo mag-relax. Nagpupunta kaming Strumms. 'Yong ganoon."

Pero tungkol sa sabi'y parang paghahanap ng father image ni Marvin, indirectly ay parang aminado nga ang young actor. Unconsciously nga raw siguro, aniya.

"Pero hindi naman hinahanap na - ikaw ang gusto kong maging parang tatay. Unconsciously na parang - na-miss ko nga 'yong ganoon sa kung ilan ding taon. Lao sa mga pagkakataon na nagkakaroon kami ng konting problema sa bahay. And ... ako nga kasi ngayon ang kumbaga - may father image naman sa pamilya namin ... sa loob ng bahay namin. Sa dami rin ng trabaho ko, I don't think na - para maghanap pa ako ng panibagong tatay pa talaga eh nandiyan naman yong Daddy ko. Na nabibisita ko rin naman. Hindi naman siya nawawala. Lagi naman siyang open sa akin. Nakakausap ko naman siyang open sa akin. Nakakausap ko naman siya, eh. And ... ako kasi ngayona ang kumbaga - may father image naman sa pamilya namin ... sa loob ng bahay namin. Sa dami rin ng trabaho ko, I don't think na - para maghanap pa ako ng panibagong tatay na talaga eh nandiyan naman 'yong Daddy ko. Na nabibisita ko rin naman. Hindi naman siya nawawala. Lagi naman siyang open sa akin. Nakakusap ko naman siya, eh. And I'm looking forward sa panahong makakasama namin ulit siya. Kaya nga ako nagsisikap magtrabaho ngayon, sinabi ko sa Daddy ko 'yon. Nasabi naman niya - don't worry raw dahil paglaabas niya, siya naman ang mag-tatrabaho. Na sabi ko rin sa kanya - hindi na. Gusto kong paglabas niya'y magpapahinga na lang siya. Sila ni Mommy, tipong enjoy life na lang silang dalawa. Kasi siyempre, may edad na rin sila. Siguro sisikap kong mabigyan sila ng kung anumang business kahit maliit lang pero hindi 'yong - to force them for work kundi pagkakalibangan nila, kumbaga."

Honestly, nakakaaburido nga ba kung minsan ang pagtayong padre de pamilia at a very young age?

"Oo. And then...financially, emotionally - 'yon. Nakaka-stress. Lalo kapag pagod na pagod ka na sa trabaho. Ako, madaling sumakit ang ulo ko, eh. Kapag maraming problemang patung-patong tapos pagod ako o puyat, kung minsa'y umiinit ang ulo ko. Pero hindi ako 'yung nagdadabog o nakasimangot kundi - tahimik lang ako. Magkukulong lang ako sa kuwarto. Anong problema ang nakakapag-pa-freak-out sa akin? Basta ang nagpatong-patong 'yong problems. Budget? oo. At saka given na 'yon. Pero...pera langnaman 'yon na - kaya nga ako nagpapakapagod magtrabaho para maging okey sa bahay namin 'yong financial matters. Nakakaaburido talaga kung minsan. pero...ginusto ko rin naman eh. Inako ko na kaya wala nang urungan. At hindi na rin ako puwedeng umatras kasi umaasa na rin sila. So ... gagawin ko na lang hangga't kaya ko. At supportive naman sila sa akin kaya wala akong regrets sa mga ginagawa ko. Kuripot ako? Hindi naman. Sa hirap din kasi ng buhay ngayon, kailangan ding budgeted lahat. You spend wisely, kumbaga. Hindi pa nga uso dati ang cost-cutting, ginagawa ko na 'yon."

Sa kasalukuyan, natapos na ni Marvin ang shooting for Magandang Hatinggabi kung saan sa isa sa tatlong episode nito ay magkakasama sila nina Mylene Dizon, Diether Ocampo at Bojo Molina. It's a horror film na idinirehe ni Lauren Dyogi.

Malamang ay sunod niyang gagawin 'yong Gimik-the Reunion at pagkatapos ay ang follow-up movie na ng Labs Kita.

Sabi, he's the hottest young actor nowadays. Pero ayaw ni Marvin na ilagay sa isip niya ang ganoong nagiging tingin na sa kanya.

"Wala naman sa akin kung sino ngayon ang hottest, pinakasikat o number one. It's not my concern talaga. Sa akin basta hindi ako nawawalan ng trabaho at nandiyan pa rin ang mga sumusuporta sa akin, sapat na iyon." pagtatapos ni Marvin.


OCTOBER 1998