Isang loveteam na gusto naming bigyan ng payo ay itong MAJ. Patindi nang patindi an gbalitaktakan sa kani-kanilang kampo. Halos nagiging personal na ang tirahan - at marami na silang nadadamay. Pati mga magulang at kaibigan nila ay sumasama na rin sa gulo. May kanya-kanyang kampo rin ng mga reporters na nagkampi-kampi! Ano ba iyan? Di ba dapat pag loveteam ay nagkakatulungan at nagbibigayan? Bakit kailangang sila-sila pa ang mag-away-away? Let's face it, parehong kailangan nina MAJ ang isa't isa. Hindi na dapat sabihin na mas sikat ang isa sa kanila. Bago tuluyang mawasak ang MAJ loveteam - isalba na ito ng mga taong malapit sa dalawa. O baka gusto na rin nilang magsolo-solo na lang? Pero ewan namin kung ganoon pa rin sila kainit kapag hindi na sila magka-loveteam. Sayang na sayang dahilsa tingi ko, ang MAJ loveteam ay panlaban sa Juday-Wowie loveteam. Parang bersyon ng Vilma-Edgar versus Guy & Pip! At least, may mapag-uusapan at magiging mainit ang rivalry kung saka-sakali!