Finally, natapos na rin ni Marvin Agustin ang kanyang shooting for Magandang Hatinggabi, isang trilogy na idinirehe ni Lauren Dyogi at malaman na pang-Halloween presentation ng Star Cinema.
Sunod naman niyang pinaghahandaan sa ngayon, 'yong nalalapit na muling pagpi-feature sa kanya for the second time sa Star Drama Present by November 'yon, right after ng apat na episode ng screen sweetheart niyang si Jolina Magdangal for the whole month of October para sa naturang drama anthology.
Type umano ng binata na mag-join sa pagbi-brainwash ng apat na istorya na pupuwedeng magamit sa mga episodes nga niya sa Star Drama. May mga ideas na umano siyang nakahanda na para i-input kapag nag-meeting na ang staff ng nasabing programa.
Tungkol sa sitwasyon naman nila ni Jolina, back to normal at pagiging maaliwalas muli 'yong espesyal niyang samahan. Sabi nga ng young acator nang magtanong kung pakiramdam ba niya'y nagkaroon ng lamat ang kung anuman type ng relationship na nag-uugnay sa kanila ng young actress -- hindi umano niya masasabing meron o wala.
"At ayokong isipin man lang na baka nagkalamat nga. Kasi 'pag ganoon ang pumasok sa utak mo, parang ang hirap mag-patch up, eh. Yong mga fans, alam nating naapektuhan din nang husto at nagwo-worry. Well, this time, wala na silang dapat pang ipangamba. Tuloy pa rin ang love team namin. And after siguro ng Gimik, the Reunion ay gagawin na rin namin 'yong follow-up movie ng Labs Kita... May mga nang-iintriga pa rin sa amin pero ... we'll try na hindi na maapektuhan. 'Yong nangyayaring problema before, kumbaga, naghatid ng lessons na dapat naming matutunan. Ako mismo, I've learned a lot from it," nakangiting pahayag pa ni Marvin.