FORUM: YOUNGSTARS ON SOME NAUGHTINESS

by: James Tekiko (Teen Movie Magazine 10/15/98)



Was there a time in your life na nakapagnakaw ka o nakakuha ng gamit dahil trip mo lang? Wll, let them fill the blank in statement, I was not really a thief but once I _____?

This article is edited.

JOLINA MAGDANGAL: "Nangupit ako ng eraser sa isang bookstore. Maliit lang 'yung eraser na umiilaw 'yung gitna. Cute na cute kasi ako eh kaso walal akong pera kaya kinuha ko na lang."

MARVIN AGUSTIN: "Hindi ko natapos 'yung research work ko sa Greek Mythology so ang ginawa ko pinilas ko 'yung page that has a feature on Athena kasi 'yun ang na-assign sa akin. Ang malas ko lang na-trace din na ako ang gumawa kasi ako ang pinakahuling humiram ng encyclopedia na 'yun. Pinagalitan ako ng librarian at pinadikit sa akin muli 'yung page na tinaggal ko."


OCTOBER 1998