"HINDI KO MASABING NAGKAROON NG LAMAT ANG RELASYON NAMIN NI JOLINA"

by: Reuben Marasigan (MovieStar Magazine 10/21/98)

Last September 14 ay napasyal kami sa huling shooting day ng MH, ang latest movie assignment ni MARVIN AGUSTIN sa Star Cinema. It's a trilogy na may pagka-horror ang tema.

Smooth ang naging takbo nito during the entire filming of the said project. Ngaragan nga lang dahil talagang minamadaling matapos na kaagad ito. Matindi ang pressure kung tutuusin lalo na on Marvin's part na very tight ang schedule at halos magkabuhol-buhol na nga nitong mga huling araw.

"Enjoy din naman kami while doing the film kahit nakakapagod dahil kumbaga nga -- sa set eh dapat na walang masayang na oras. Uhm... it's like a reunion na rin kasi -- 'yong mga katropa sa Gimik ang katrabaho ko bihira kaming magkita-kita at magkasama-sama nang medyo matagal-tagal hanggang we did this film nga."

May ibang naging bansag sa kanya ngayon -- male Cinderella. It may sound corny...puwedeng nakapagpapatikwas ng kilay pero sa totoo lang, inspiring 'yong tipong from rags to riches (although hindi naman talagang rich pero kahit paano'y nabibigyan na ngayon ng maginhawang buhay ang kanyang pamilya) na istorya ng young actor.

Ang pakiramdam ni Marvin nang mabanggit namin 'yon sa kanya -- "Nakakatuwa! Kahit wala pa namang riches! Na--from rags to towel siguro! Ang sarap nga nga feeling na after all the hardwork and all that, kumbaga sa nagtanim, may inaani na akong bunga ngayon kahit pakonti-konti. Right now, kahit katiting na taste of success, natitikman ko na. Medyo nakakalungkot lang na ang kapalit ay panibagong intriga ... matindi. Although pinipilit kong ikundisyon na kailangang masanay na ako, there are times na nabo-bother ako...nasasaktan...naapektuhan. Pero hindi dapat na panghinaan ako ng loob o kaya makabawas 'yon ng energy ko at dedication sa trabaho. Ginawa ko na lang challenge 'yon para sa sarili ko. Sabi nga--iniintriga lang naman ako. Hindi pa naman ako pinapatay. At kung nasasaktan man ako, kaya pa rin naman tiisin. Kaya pa ring palampasin. So...piliting magpakamanhid sa mga pagkakataon na may hindi magandang nasusulat o mga masasakit na nasasabi 'yong iba about me. Lalo sa showbiz, ganyan naman talaga, di ba? And...nandiyan pa rin naman ang mga taong nagmamalasakit, nagmamahal at sumusuporta sa akin. Doon na lang ako humuhugot ng strength. At sa pamilya ko na siyang source naman ng inspirasyon ko to work harder."

'Yung tungkol sa problema at intrigahan between him and the Magdangal family, naayos na kamakailan. At back to normal na rin ang samahan nila ni JM, na kasama pa niyang nag-show lately sa Davao city. Nag-meeting na rin ng taga-Star Cinema tungkol sa follow-up movie ng Labs Kita...na pagtatambalan ulit ng dalawa.

"Ngayon, siguro mas dapat na higit pang maging matatag kami at huwag masyadong maniwala kaagad sa sinasabi ng ibang tao. Mas dapat paniwalaan namin ang isa't isa. And...open dapat lagi 'yong line of communication namin. Nagkaroon ng lamat ang samahan namin? Hindi ko masabi. Ayokong isipin. Mahirap kapag pumasok sa isip 'yong lamat dahil parang mahirap mag-patch up sa situation pag ganoon. Feeling naman namin pareho, parang walang nangyari. Okay na ulit. And happy ako ngayon."

Well...love is lovelier daw the second time around. Parang ganoon ang nababasa namin sa mga mata ni Marvin.


OCTOBER 1998