Umattend si Marvin Agustin noong nakaraang 12th PMPC Star Awaards na ginanap sa U.P. Theater para ipakita ang kanyang pasasalamat at suporta sa samahang patuloy na nagtitiwala sa kakayahan bilang isang aktor. Hindi lang yata isa, dalawa o mahigit pang nominasyon ang ipinagkaloob kay Marvin ng PMPC sa mga nakaraan nitong pagbibigay ng recognition sa mga aktor na tulad niya na nagsusumikap mapansin sa pamamagitan ng pag-arte.
"Bilang nominee, natural siguraong maka-feel ng kaba. But honestly, saludo ako sa mga winners." Walang disaapointment sa sariling umuwi si Marvin. "Dumating ako sa UP just to show appreciation sa mga taong naniniwala sa akin. In fact, masayang-masaya ako everytime na yung pangalan ko ay napapasama sa list ng nominees. It's really an honor na napapansin ang akting ko. Sabi ko nga sa kapatid ko before na nagpunta ako sa venue, win or lose uuwi akong magaan ang pakiramdam kasi nga i never expected."
Hindi gaya ng ibang nominee na abot-abot ang dasal at expectations na manalo. Na ang ending ay natatalo kaya't umuuwing luhaan. "Sa isang tulad ko na baguhan pa lang sa acting department ang ma-nominate ay isa nang malaking bagay. Isa rin itong malaking chance at incentive sa isang aktor na tulad ko para pagbutihin ang craft ko. Actually, it's parang inspiration na rin para doblehin mo ang effort mo the next time."