"KUNG GAANO KO MINAHAL SI JOLINA NOON...

by: Ador Saluta (HotCopy 11/02/98)

Kapansin-pansing 'di man lang naging guest ni Jolina sa kanyang 4-episodes Star Drama si Marvin. Sa November SDP ni Marvin ay wala rin sa guest list ang sinasabing "labs" nito sa ngayon? Gantihan ba ang name of the game?

"No. It's ABS-CBN decision na hindi ako igi-guest ni Jolina and vice versa. Naniniwala din kasi sila sa over-exposure. Kung kami-kami na lang ang nakikita sa isang programa, baka pagsawaan din kami ng mga tao, 'di ba? Besides, gagawin na yata 'yung GIMIK, The Reunion at may isa pang follow-up ng Labs Kita na kami ni Jolina ang magkakasama, so mortal sin talaga na halos kami-kami na lang ang palaging nagkakasama. Okey naman kami ni Jolina. Nagkaroon lang ng konting miscommunication. Mabuti nga at bago pa 'yon lumaki, 'yung intriga about us, naagapan na namin. We're back and we're together na. In fact, nagla-lunch kami together basta lang maisipan, ganoon. Parang walang nabago. Just the same na nagtatawagan at nagbi-beep-beep-an kami everytime na nami-miss namin ang isa't isa. The good thing naman about what happened is that, naging aware kami sa mga iba pang intriga na darating. I'm sure na mas bigger intriga pa ang kakaharapin naming dalawa ni Jolina in the future. Nakahanda na kami doon. Napag-usapan na namin na hinding-hindi kami maniniwala basta sa mga sitsit at intriga. Kung meron man kaming nababasang negative, kami muna ang magkakaalaman bago ito malaman ng ibang tao. Like I said, kung gaano ko minahal si Jolina noon, nadagdagan pa'yon ngayon. Ewan ko lang kung ganoon din siya sa akin," pagwakas pang sagot ni Marvin sa amin.


NOVEMBER 1998