ON NEW LOVETEAM

by: Gary Sta. Ana (MegaStar 11/06/98)

Isa si Marvin Agustin sa ngayon na unti-unting naaabot ang kanyang mga pangarap. Malaki talaga ang nagawa ng isang Enrico Santos sa career ni Marvin noon at magpahanggang sa ngayon.

Malaki ang hirap nina Jun Magdangal at Enrico Santos sa loveteam nina Jolin't Marvin, kaumbaga hindi lamang isang iglap ginawa ang loveteam ng dalawa. Nagkaroon kasi ng tampuhan 'yung dalawa, ihihwalay na raw ni Marvin ang sarili kay Jolina. How true?

"Naku hindi totoo yan! May gagawin pa kaming pelikula ni Jolina, papaano naman mangyayari 'yon? May gusto lang sumira sa loveteam namin ni Jolina. Siguro naiinggit lamang sila sa amin kaya ginagawan kami ng intriga. Basta't hangga't gusto ako ni Jolina, makikipag-loveteam ako sa kanya."

May bagong ka-loveteam daw ngayon si Marvin Agustin, ang gusto raw kasi ni Mother Lily Monteverde eh, si Marvin 'yun makapareha ni Virla Sancho (bagong Regal Baby) may plano na ba sa inyo si Mother Lily?

"Actually, wala pa akong alam na may gagawin ako sa Regal, Talent Center ang nakakaalam, basta't ang pagkakaalam ko wala akong gagawin pelikula sa Regal, kung meron man, bahala na ang Talent Center doon. Tatanggapin ko kung maganda yung istory ng pelikula, kundi rin ba makakaapekto sa loveteam namin ni JOlina, mas priority ko kasi yung loveteam naming dalawa."


NOVEMBER 1998