It's a bigger break for Marvin Agustin. 'Yon nga marahil ang pangunahing rason kung bakit for the last minute nag-decide ang management ng ABS na iurong muna ang ikalawang beses ng Star Drama Theater Presents. Ito'y bilang pagbibigay daan sa isang mini-series line produced by Star Cinema na ang direktor ay si Olivia Lamasan.
Si Marvin ang bida sa naturang seryeng regular na mapapanood every Monday kapalit ng Palibhasa lalake. Ang istory nito'y inspired sa Rich Man, Poor Man at nakatakdang maging hudyat ng pagsisimula ng young actor sa paunti-unting pagma-mature bilang isang artista. Unang pagsalang ko nga ito into serious drama. Siyempre, mixed emotions ang nararamdaman ko at this point. Masayang-masaya na medyo ninenerbiyos din. Same time, flattered na pagtiwalang sugaln ng Star cinema at Channel 2 na maging lead ng ganito katinding mini-series with a powerhouse cast."
"Heavy drama ito na maraming highlights. Mabilis ang pacing at development ng kuwento dahil eight episodes lang ang itatakbo nito. Na kung papalo nang husto sa ratings, gagawan ng movie version. Umpisa ng pagma-mature ko as an actor pero hindi 'yong magsu-solo na. Tuloy pa rin naman 'yong team-up namin ni Jolina. Meron kaming bagong movie uumpisahan sa Star Cinema na follow-up sa Labs Kita. Tapos, kami rin ang magka-partner sa movie version ng Gimik. Sa TV, desisyon ng management na lie-low muna ang pagiging magka-partner namin. Baka nga naman magsawa na sa amin ang mga tao. Kaya tama rin sabikin muna sila. Mas alam ng ABS o Star Cinema kung ano ang mas makabubuti sa career naming mga ibini-buildup na artista. So, bahala na sila."