Namangha kami sa ipinakitang suporta ng mga taga-Cebu kina MAJ. Kasama nag-perform ang kanyang favorite leading man na si Marvin Agustin.
Mainit ang pagtanggap ng mga tao sa loveteam nina MAJ. Kahit sa Cebu, sikat na sikat ang dalawa. Walang eksaherasyon pero nasaksihan namin ang kapal ng taong nagsisiksikan, nagtutulakan at nagtitilian. Isang kawal lang ng dalawa'y talaga namang nakabibinging sigawan na ang isusukli ng mga fans. May ilan pang halos himatayin na sa pananabik na makita ang dalawa.
Nang magkaroon ng radio and TV tour sina MAJ ay lalo naming napagtanto na marami talaga ang umiidolo sa dalawa. Nakabuntot talaga sila sa sinasakyan ng dalawa at nalulusutan ng mga tao ang security force para makapagpakuha ng picture o makahingi ng autograph. Hindi nilulubayan ng mga tao sina MAJ. Naaantala nga ang pag-usad ng sinasakyan namin dahil nakaharang na ang mga tao sa daan.
As early as 5pm, napag-alaman namin na unti-unti nang napupuno ang parking area. 7:00 ang show pero naroroon na ang mga tao at nag-aabang sa pagdating ng dalawa. Past 8 pm nang makapagsimula ang palabas na handog ng Gaisano Country Mall. Naunang lumabas si Marvin. Tilian ang mga tao sa kanya. Lalong tumindi ang sigawan nang magparinig ng awitin si Marvin sa saliw ng isang banda. Puwede nang mag-live si Marvin pero kailangan pa niyang sumailalim ng voice lesson, huh!
Hindi pa tapos ang kanta ng aktor ay bumuhos na ang malakas na ulan. Nakantiyawan tuloy si Marvin na kaya bumagsak ang ulan dahil kumanta ng live si Marvin. Naging running joke tuloy ng buong barkado 'yon habang nililisan namin ang stage para magpatila ng malakas na ulan.
Mula sa parking area, tumuloy kami sa Bowlingplex ng Gaisano at doon naghintay ang lahat para sa go-signal ni Bong kung puwede nang bumalik sina MAJ, nag-decide na ang management na ituloy na lang ang show sa loob mismo ng Gaisano COuntry Mall. Habang naghihintay, sinamantala na ni Marvin ang pagkakataon. Nagpamasahe na ito pagkatapos makapagpalit ng damit na talaga namang basang-basa.
Mahigit isang oras anglumipas. Huminto ang ulan at muling ibinalik ang pagtatanghal sa parking lot. Ini-expect namin ay kokonti na lang ang mga taong manonood but to our surprise, walang umalis. SUrprisingly, lalo pa nga yatang nadagdagan ang mga taong nanood at naghihintay sa paglabas ng dalawa.
Hindi pa man kami nakakaupo pagdating sa backstage, hayan na uli ang malakas na ulan at tila naramdaman namin nahindi na hihinto ang pagbagsak nito. Ihihinto na sana ang show but Jolina decided to render 2 songs. She did it at may hawak na payaong habang kumakanta. Binigyan ni Marvin si Jolina ng handkerchief para huwag itong ma-ground. Concern din ang binata sa kanyang leading lady. After rendering one song, tinawag na agad ni Jolina si Marvin. Nag-duet ang dalawa. Pagkatapos ng song, umalis na agad sina MAJ at tumuloy sa isang Pinoy resto.
At dito na nagpalipas ng gabi ang buong tropa. Surprisingly, naamoy ng mga fans kung saan papunta ang dalawa. Hayun, nasundan pa rin sila. Awang-awa sina MAJ sa mga fans. Gusto man nilang pagbigyan pero hindi naging cooperative ang panahon.