MAJ LOVETEAM

by: Joey Sarmiento (Teen Movie Magazine 11/26/98)

Hindi pa pala mabubuwag ang loveteam sa telebisyon nina MAJ.

Ang sabi kasi ng iba, kaya raw hindi nakasama si Marvin sa Richard Loves Lucy ay sa dahilang ayaw daw ni Mr. Magdangal na makasama ng anak niya ang bagets aktor.

Pero pinabulaanan ito ni Marvin dahil ayon sa kanya, pagkatapos daw ng eight episodes niya sa kanyang mini-series na Sa Sandaling Kailangan Mo Ako ay papasok daw siya sa Richard which means, nandiyan pa rin sa TV ang dalawa.

Kahit na tsugi na sa ere ang Onli in da Pilipins ay meron pa rin silang TV show na magkasama.

Ganyan naman talaga ang dapat dahil kailangan nilang maging propesyonal.

Sa tingin naman namin ay malakas pa rin ang loveteam ng dalawa kaya nakapanghihinayang naman kung bubuwagin nang ganito kaaga.


NOVEMBER 1998