"Grabe ang schedule nu'ng nakaraang linggo dahil fully booked talaga ako. Gimik nu'ng Lunes, ito 'yung time na bumalik kami nina Rico at Diet dahil kinunan 'yung b-day ng labs ko, s'yempre ako ang special guest. Supposed to be ay ilang sequence lang ako, pero ini-revise ang script at humaba ang eksena ko kaya umabot kami ng umaga. 4:00 AM na nga ako nakauwi ng bahay. Tapos, tuluy-tuloy na 'yun sa Esperanza taping sa Busu-buso, then Onli in da Pililipns. Inasalto ko naman du'n si Jolina. Ako ang nagplano ng lahat. Nagpaluto ako ng pagkain kay mommy at inimbitahan ko ang mga non-showbiz friends ni Jolina na naging surpresa nu'ng araw na 'yun. Nakapag-taping din pala ako ng VTR para sa X'mas commercial ng Coke. Grabe talaga ang pressure nu'n. Thursday, balik-Esperanza na naman ako hanggang Saturday morning. Walang uwian 'yun dahil nag-advance taping kami. Sunday, ini-launch na 'yung portion namin ni Jolina sa ASAP, 'yung Honey My Labs with Marvin and Jolina. So 'yun!"