Paano niya sasagutin ang isyung pati si Jolina ay nanibago na rin sa kanya? Sumama raw ang loob ni Jolina dahil madali raw siyang nakalimot. Na pati ang kaarawan mismo ay di man lang niya naalala, kung saan siya ang inaasahan ng dalaga na unang babati?
"Actually, nakarating na rin sa akin 'yan. Ang nangyari kasi, out-of-town ako for a taping. Hindi rin ako makatawag sa kanya dahil dead spot sa location ng taping namin. Hindi rin nagawang i-beep siya dahil ang gusto ko, magkakausap kami. Tumatawag din ako sa bahay nila bago pa 'yung taping ko, pero wala namang sumasagot. Pero nabati ko rin naman siya, kaya lang, na-late ako ng isang araw. Hindi ko rin naman sinadya 'yon dahil hindi ko rin naman talaga ginusto. Tapos lumabas na 'yung balitang nagtatampo raw siya sa akin," patuloy niya.
Ang sabi pa ni JOlina, nabawasan na daw ang closeness sa kanila. Hindi na sila katulad ng dati na halos araw-araw ay nagkakatawagan at nagkakausap sila? Tipong nagkaroon na rin ng lamat ang friendship sa kanilang dalawa?
"I must admit na medyo nabawasan nga 'yung tawagan sa amin. Na medyo naputol 'yung communication sa amin. Pero para sa akin, dala na rin 'yong ng pagiging busy namin sa trabaho. Kumbaga, hindi rin namin ginusto at sinasadya dahil sa trabaho namin. Pero kung ako rin naman ang tatanungin niyo, nami-miss ko na rin siya. Super nami-miss ko na rin talaga siya."