From reliable source, desisyon ng management ang pagbuwag ng loveteam. What can you say about this?
"I don't know kung kailangn kong sagutin yan at this point. It's hard naman kasi na lagi kaming nakikita together. Kumbaga, pareho naman kaming artista. Hindi naman sa lahat ng projects kami ang magkasama but it doesn't mean na hindi na nga. I mean, eight weeks lang naman 'yung series, so after that magkakatrabaho kami ulit."
With all honesty, okey pa ba kayo ni Jolina?
"Okey naman. Kailan lang nu'ng grand opening ng boutique niya sa Cebu and nag-show pa kami, so okey lang."
Jolina is vocal in saying nay pagitan sa inyo, talagang may nagbago.
"Meron nga siguro, pero ayokong i-welcome 'yung idea na ganoon na nga, ayokong isipin na ganoon nga. Iniisip ko na lang at tama naman na we're both busy lang talaga."
Isa pang hinihintay ni Jolina ay mag-apologize ka sa parents niya dahil higit silang nasaktan at nasangkot.
"Okey na 'yon. Basta naayos na. I don't want to talk so much about it. Ang hirap kasi. Kung patuloy pa rin kasing pag-uusapan, iisipin ng tao na hindi pa ayos."
Dumating kayo ni Jolina sa point na nadevelop ang friendship niyo more than that. Mahal mo pa ba siya hanggang ngayon?
"Mahiraap magsalita nang magsalita about feelings. Feeling kasi ng tao showbiz na showbiz. Right time will come na lang siguro."
Kaya nila nasasabi na you don't care or love her anymore, it's because hindi ka pumunta sa bday ni Jolina.
"Hindi totoo 'yon! Nag-taping ako ng Esperanza that time. From there I went straight sa taping naman sa Sa Sandaling Kailangan Mo Ako. Talagang naligo lang ako tapos alis kaagad. Naiintindihan naman niya iyon. Actually, I was calling her since 3:00 am kasi at that time ko naalala. Finally na-contact ko rin siya pero late afternoon na. I sent her flowers too."
Sa paningin ng iba ay publicity lang talaga yung closeness niyo at nagkaroon ng gamitan.
"Unang-una, kung nasaktan man si Jolina, hindi ko siya masisisi, pero gusto ko lang sabihin na kahit papaano naman, eh, nasaktan din ako. About publicity lang, bahala na silang mag-isip. Ayokong masyadong magsalita tungkol diyan. Isa kong natutunana about that is it's hard to be honest always. Sometimes kailangan mong magtago para sa sarili mo. Tungkol sa ginamitan, masakit pakinggan iyon. Pero I must admit na natulungan niya ako at natulungan ko rin siya. Hindi naman magiging maganda ang loveteam kung isa lang ang gumagawa ng paraan. I did my part and I'm still doing my part. I'm not a stupid person para ang maging purpose eh gumamit lang ng tao. Pangit naman sa pandinig 'yon. Ngayon kung 'yon ang iniisip ng ibang tao, bahala na sila. Kanya-kanya tayo ng opinyon."
Sa kabila ng lahat, willing ka pa bang ipaglaban si Jolina?
"She has her own priorities and I have my own. Right time will come kung talagang para kami sa isa't isa. Mahirap namang ipilit ang isang bagay na hindi pa oras."
Paborito ka ng Dos.
"Hindi naman siguro. Nakikita lang nila yung dedication ko sa trabaho. Hindi naman siguro dahil sa paborito ako, one of the favorites lang siguro. Lahat naman kami binibigyan ng break. Nagkataon lang na sa akin napuntan yung ibang projects. Naniniwala ako na it's not a matter of favoritism. Kumbaga, sinusuklian lang nila 'yung dedikasyon na ibnibigay ko sa bawat proyekto na binibigay nila sa akin."