MARVIN PABORITO NG DOS?

by: Melba Llanera (Star Talk Movie Magazine 12/07/98)

Naging paniniwala sa mundo ng showbusiness na sa pagkakaroon ng loveteam na tinangkilik at minahal ng masa, lalake ang laging masasabing talo 'pag dumating sa punto ng paghihiwalay.

Ngunit sa kasalukuyang nangyayari sa unti-unting pagkabuwag ng MAJ loveteam, mukhang sisirain yata ng binata ang ganitong paniniwala. Mukhang siya ang maikukumparang "exemption to the rule" dahil sa tinatakbo ng kanyang lalo pang gumagandang career, nagawa niyang patunayan na kaya niyang tumayo sa kanyang sariling mga paa at gumawa ng sariling pagkakakilanlan.

Si Marvin Agustin daw ngayon ang apple-of-the-eye ng Star Network kung saan balitang umiiral ang favoritism?

"Napakakapal ko naman para sabihing oo, paborito ako ng Channel 2. Kung 'yun ang tingin ng iba, hayaan na lang natin na 'yun ang isipin nila. Sa akin kasi, magiging favorite lang ang isang tao 'pag nakikita mong maayos ang ginagawa niya, na dedicated siya. Paano mo naman kasi magiging favorite ang isang tao na sira ulo o di siniseryoso 'yung trabaho niya? I think it's not a matter of favoritism na magiging favorite mo ang isang tao dahil gusto mo lang siyang maging favorite. It's a matter of kung kinakikitaan mo ba siya ng potensyal, ng dedikasyon sa kanyang trabaho."


DECEMBER 1998