MARVIN ININDIYAN ANG BIRTHDAY NI JOLINA?

by: Melba Llanera (Star Talk Movie Magazine 12/07/98)

Ano ang masasabi mo sa isyung inindiyan mo ang asaltong ibinigay ng mga fans kay Jolina. At kahit daw noong birthday celebration nito sa ASAP ay di man lang niya naalalang batiin ang young star?

"Naipit kasi ako ng taping nu'n. From Thursday, nagte-taping ako ng Esperanza tapos I went straight to SSKMA. I was calling her since 3:00 in the morning of November 6 pero naka-off yung cell niya, sa bahay naman nila, ring lang nang ring. Finally, na-contact ko siya ng late afternoon na. I explained everything to her and she understood naman. I also sent her flowers."


DECEMBER 1998