NAGBAGO NA BA SI MARVIN?

by: Melba Llanera (Star Talk Movie Magazine 12/07/98)

Sa mga dumating na pagsubok sa tambalan niyo ni Jolina, puwede nating sabihin na marami na rin namang nagbago. Mismong si Jolina ay aminado dito. Ano sa palagay niya, meron nga bang nagbago?

"Mayroon siguro pero ayokong i-welcome yung idea na yun. Ang gusto ko lang isipin, pareho kaming busy, both of us are doing good individually, so I don't want to entertain that thought."

Open ka noon sa pagsasabi na mahal mo si Jolina. Ngayon kaya mo pa bang sabihin it's still the same feeling?

"Mahirap magsalita nang magsalita about that. Feeling nila showbiz na showbiz. Basta for me the right time will come."

Paano kung isipin ng ibang tao na ang ginawa mo palang panliligaw noon kay Jolina ay bahagi lang ng gimik. At ngayong established ka na as one of the hottest young actors, e, basta mo na lang siya initsapuwera?

"Bahala na silang mag-isip, that's the reason kung bakit ayoko nang magsalita. Masyadong napapalaki ang isyu hanggang madamay na ang taong di dapat madamay. Sana tigilan na ang mga ito."

Napakalaking tsansa ang ibinigay noon ni Jolina tungkol sa maari niyang maramdaman para sa iyo. Pero dahil daw sa mga nangyari ay unti-unti na itong nawawala. Paano kung isang araw kahit gapatak pala ay wala nang natitira?

"Hindi ko siya masisisi doon. Manhid na lang ang taong di masasaktan sa mga nangyari, kahit naman ako nasaktan din kahit papaano."

Kung darating sa puntong kinakailang ipaglaban mo ang pagmamahal mo kay Jolina, handa ka bang ipaglaban siya?

"She has her own priorities and I have my own too. As i've said b4, the right time will come. Mahirap ipilit ang isang bagay na hindi pa talaga oras."

Kaya mo bang tanggapin na sa paningin ng maraming tao ay parang ginamit mo lang daw si Jolina?

"We need people, we cannot live by ourselves. It;s just a matter of kung paano ka gumamit ng isang tao. Ako kasi, I admit natulungan niya ako, pero siguro natulungan ko rin naman siya. We both helped each other. Siguro naman hindi magiging maganda ang takbo ng loveteam namin kung isa lang ang gumagawa ng paraan. We both did our part. Sa sinasabing gamitan, ang pangit naman pakinggan pero kung 'yan ang iniisip ng ibang tao, wala na akong magagawa. May kanya-kanya tayong opinyon, igalang natin ang opinyon ng iba."

Paano kung si Jolina ang mag-isip ng ganoon. Paano mo kaya tatanggapin ito?

"Nasa kanya na iyon. Nasa pinagsamahan na rin namin yun, kung mbabaw baka ganoon lang kadali masira pero kung talagang malalim di naman ito masisira nang ganu'n-ganoon lang. I consider naman our friendship na malalim. 'Yung pain, naghi-heal din yan. Ang importante, we learned our lessons."

At personally, anong lessons ang natutuhan mo sa mga nangyari sa pagitan ninyo ni Jolina?

"Ang dami. Siguro one is, mahirap palang maging masyadong totoo, it's hard to be always honest. May mga oras palang kailangan mo ring magtira ng para sa sarili mo."


DECEMBER 1998