MARVIN INAYAWAN SA RLL SHOW?

by: Melba Llanera (Star Talk Movie Magazine 12/07/98)

Kumalat din noon ang sabi-sabi na kaya raw siya hindi nakasali sa show ng RLL ay dahil ayaw pumayag ng ama ng dalaga. Totoo bang hinarang ni Daddy Jun Magdangal ang pagiging mainstay mo sana sa nasabing show?

"No, that's not true. Sa pagkakaalam ko may plano yatang isama din ako sa show pero di pa sigurado. Ngayon pa nga lang hirap na ako sa schedule ko dahil sa mini-series namin. What more kung makakasama ako sa show na RLL."

Talaga bang may balak na paghiwalayin sila ni Jolina bilang magka-loveteam? Na mas gusto daw yata ng network na ma-push sila bilang individual actor and actress?

"Hindi ko masasabi pero sa pagkakaalam ko after 8 weeks, magkakasama uli kami ni Jolina. Sa tingin ko naman, hindi magdedesisyon ang network kung wala silang magandang plano, alam kong iniisip muna nilang mabuti bago sila gumawa ng hakbang. Malaki ang tiwala ko sa kanila."


DECEMBER 1998