Mas na-inspire pang lalo pero hindi naman feeling high ang kung sabihi'y budding young drama actor na si MARVIN AGUSTIN sa ngayong okay naman ang nagiging review at feedback regarding his performance sa mini-series na SSKMA, which is now on it's fourth week of airing. Kung sabagay, hindi lang naman siya kundi maging 'yong iba pang cast nito, may kanya-kanyang husay na naipamalas na kahit 'yong mga newcomers na tampok dito'y convincing din ang acting sa tulong na rin siguro ng epektibong motivation ng direktor nito na si Olivia Lamasan.
"Nakakatuwang makarinig ng magagandang puna pero hindi ko gaanong inilalagay sa isip ko kung may mga pumupuri man nga sa akin. Kumbaga, alam ko rin naman na marami pa akong dapat na i-develop, pag-aralan at matutunan. At siyempre, I always make it a point na sa bawat suwerteng dumating sa buhay ko, nakatapak pa rin sa lupa ang mga paa ko."