by: Ruben Marasigan (MovieStar Magazine 12/16/98)

On negative intrigues...

"Hindi ko maintindin, these past few days ay may mga nasusulat na nagiging mayabang na raw ako. Nagkakaroon na raw ng ere. Lumalaki na ang ulo. Nagiging over confident daw masyado. Ah... mahirap na lang kasing magsalita, eh. Minsan, ang hirap nang pag-isipan kung saan ka talaga lalagay, eh. Ang hirap manimbang lalo sa paningin ng mga detractors mo. Ayoko namang makipag-sagutan sa sinumang type na type akong tirahin at gawan ng negative write-ups. Iniisip ko na lang, basta ako, kilala ko ang sarili ko. Kilala rin ako ng mga taong malalapit sa akin. Talaga lang sigurong hindi mo mapi-please lahat. Na may mga kanya-kanyang opinyon ang bawat tao na kailangan din nating igalang. Hindi ko rin naman nalilimutang i-assess ang sarili ko, eh. Kaya alam na alam ko pa rin ang sarili ko. Na 'yon nakaapak pa rin ang paa ko sa lupa at alam ko pa rin ang pinanggalingan ko. Sa pagkakaalam ko, wala naman akong inaagrabyadong tao o sinasagasaan para ganu'n-ganunin ako ng iba. Hindi ko alam kung baka may naiinggit o whatever. Basta sa akin, ipagdarasal ko na lang sa Diyos na... ma-realize rin nila. Kung sila man, kung ako man ... kung sino nga ba. Ang message na lang na maipaparating ko sa mga detractors ko -- hindi ako perpektong tao. Walang taong perfect. Kung kaya nilang laging hanapan ng kapintasan at pagkakamali ang kapwa nila, eh ... tingnan din nila ang kamalian nila. Siguro, nasa linya kasi ako ng showbusiness kaya konting gawin mo, nami-misinterpret. Bawat galaw mo pansin na pansin. Pero sana, maintindihan nila na tao ako na ... nasasaktan din. Napapagod. Nasisiyahan. May feelings din kami."


DECEMBER 1998