Sila man ni Jolina, kahit nagkaayos na'y pilit pa ring pinagkakasira na naman. Pati loveteam nila'y parang mas napag-iinitan pang lalong intrigahin. Ayaw paapekto si Marvin. Lalo ngayong nakapagsimula na silang mag-shooting para sa movie version ng Gimik. As screen sweethearts, talagang sila pa rin.
"Nakaktuwa na nagkakasama na naman kami. Tapos sa MTB, kami pa rin ang magkasama every Monday. Matagal-tagal ding hindi kami nagkikita at sa phone na lang nagkakausap. At first, medyo parang pareho kaming nakakaramdam ng konting paninibago sa tagal na hindi kami nagkasama. Pero nakakatuwa talaga."
Sa first shooting day ng Gimik at maging sa pagsasama nila sa MTB, hindi na tinanong ni Marvin si Jolina hinggil sa matataray na nasulat na statements nito against him.
"Hindi naman kasi ako naniniwala na kayang sabihin ni Jolina 'yong gano'n. Dahil hindi nga siya gano'n eh. Siguro may mga bagay pa rin kaming dapat na pag-usapan. Wala nga lang chance. Kasi 'yong pagkikita naman namin ay puro oras ng trabaho. Hindi 'yon ang tamang pagkakataon because we're working."
Sabi ni Jolina, naninibago raw siya ngayon kay Marvin. Hindi na sila gano'n ka-close at parang may wall nga.
"Para sa akin, nandoon pa rin naman."
Naririnig lang daw naman ni Jolina. Nababasa lang. Pero hindi niya nararamdaman. Dahil hindi rin ipinadarama ng young actor.
"Mas mabuting hindi na lang ako magsalita. Kung meron man akong very personal na gustong sabihin sa kanya, kung meron man akong mga gustong iparamdam, hayaan na lang nating siya na lang ang pagsabihan ko o makaalam ng tungkol doon. Hindi maganda kung ibu-broadcast ko pa o hahayaang mapagpiyestahan pa in print. At sa tingin ko'y mas makabubuti kung ganoon na lang, di ba?" nangingiting sabi na lang ni Marvin.