MARVIN TALKS ABOUT JOLINA & CLAUDINE

Pinagseselosan ni Jolina si Claudine?

by: Joey Diego (StarTalk Movie Magazine 12/01/97)



Kahit papa'no nabawasan na rin naman ang negative publicities kay Marvin Agustin. Unti-unti na ring gumaganda ang relation niya sa press (na dati namang maganda, na sinira lang ng ibang reporters na insecure) kaya happy ang binata dahil all of a sudden ay namulaklak ang kanyang paligid sa dami ng press na nagsabi sa kanya na huwag siyang mag-alala dahil susuportahan siya ng mga ito.

"Happy talaga ako dahil nakita ko kung sinu-sino talaga 'yung mga kaibigan ko sa press na talagang totoo sa kain, 'yung nagdaang intriga sa akin na bagama't hindi pa naman tapos eh masasabi kong sinukat 'yung pagkatao ko at nalaman ko kung sinu-sino ang tunay na nagmamahal sa akin at kung sino talaga 'yung mga kaibigan ko.

"I know naman na sa buhay na ito, hindi lahat sa iyo, kaya ang naging lesson sa akin eh kilalanin talaga 'yung totoong kaibigan at hindi 'yung nagbabalatkayo lang," paunang salita pa ni Marvin sa amin.

Tungkol naman sa balitang demanda niya, ano na ba ang latest update tungkol dito? An sabi, pinatawad na raw niya 'yung isang reporter na humingi ng apology sa kanya samantala du'n sa isa tuloy pa rin daw ang demanda nila laban dito.

"Hindi ko rin alam kasi kung ano na 'yung latest update, basta sa napagkasunduan I think, ay tuloy 'yung demanda laban du'n sa reporter na naglabas ng malisyosong balita tungkol sa akin. 'Yun isa namang reporter na humingi ng apology eh, sa pagkakaalam ko eh nagkausap na sila ng managaer ko, kung anuman 'yung napagkasunduan nila eh ayaw ko nang sabihin pa sa publiko dahil gusto ko namang bigyan ng privacy rin 'yung reporter na 'yun na kahit nagkaroon kami ng hindi magandang trato sa isa't isa eh kahit n apaano naging kaibigan ko rin naman 'yun. So kung anuman 'yung napag-usapan nila eh hayaan na lang natin."

Ipinalabas na 'yung pelikula nilang "Ipaglaban Mo, the Movie 2". Sa nakaraang premiere night, isa siya sa dinumog ng mga tao. Sikat na sikat na talaga siya pero may ilan pa rin na hindi nakuntento sa acting niya, ang sabi pa nga, OA raw ang dating niya. Pa'no niya tini-take 'yun?

"Kung 'yung grabeng intriga eh na-take ko, 'yun pa kaya? Well, kung 'yun ba ang tingin nila eh okey lang, tutal naman out of 10, isa lang siya sa nagsabi nu'n, so okey na rin, saka mas binibigyan ko ng importansiya 'yung sinabi ng direktor naming si Rory Quintos, after the movie sinabi niya sa akin na I'm happy for you, you made it! Kahit papa'no nakakalaki ng puso. Kaya du'n sa nagsasabing OA daw ako eh okay lang 'yun, saka tumatanggap din naman ako ng ganu'ng puna dahil ako 'yung taong mas natsa=challenge kapag may mga tira at puna sa akin. At through that eh pinag-aaralan ko nang husto 'yung mga akting ko. Hindi ako naapektuhan ng ganyang hearsay bagkus nagiging inspirasyon pa 'yun sa akin.

"Hindi ko naman sinasabing magaling na akong artista, kung tutuusin eh marami pa akong dapat na matututunan at malaman, saka bago pa lang ako dito marami pa akong matututunang bagay na manggagaling sa kanilang mga puna kaya tinatanggap ko lahat ng tira sa akin."

Pinaguusapan namin 'yung biglang pag-amin niya na gusto rin niya si Claudine Baretto aside from Jolina. At rinig namin, nagseselos na raw itong si Jolina kay Claudine, how true?

"Hindi totoo, hindi talaga totoo, wala naman akong nakikitang kakaiba kay Jolina, in fact sa asaltong ginawa ko for her birthday eh wala naman akong nakitang pagbabago sa kanya, nagpapasalamat pa nga siya sa akin dahil hindi raw niya sukat akalain na gagawin ko 'yun for her, ako kasi ang nag-plano at gumawa ng lahat, sa sobrang tuwa nga niya eh gibla siyang napayakap sa akin at ako naman, kinilig siyempre."

Bakit ngayon ka lang ba nayakap ni Jolina?

"Hindi naman, kaya lang iba 'yun, kumbaga natuwa siya sa kin at siguro through this eh alam na niya ngayon na hindi lang showbiz 'yung pagke-care ko sa kanya, alam niya kung ano talaga 'yung motibo ng panliligaw ko sa kanya, at sana nga magtuloy-tuloy na it."

So, hindi totoo 'yung selosan? Baka naman pinakikiramdaman ka pa ni Jolina?

"Hindi talaga, walang selosan at sa totoo lang naman, walang dahilan para magselos siya kay Claudine, kung nasabi ko man 'yun eh honest opinion 'yun, hindi komo sinabi ko 'yun eh balewala na 'yung 'Labs' ko. Siyempre siya pa rin at ngayon, hindi naman nagbabago 'yungpagmamahal ko sa kanya, kahit pinahihirapan niya ako, siya pa rin ang one and only love ko!" seryosong sabi pa ni Marvin sa amin.




DECEMBER 1997