SCHEDULES

by: Joey Diego (Modern Teen Movie Magazine 12/04/97)



"Lagi akong sinasabihan ng mga kasamahan ko sa Gimik na magpahinga naman daw ako dahil sa loob ng isang linggo, halos wala na akong pahinga sa kati-taping. Katulad na lang nitong nagdaang linggo, loaded na talaga ang schedule ko. to make it short, regular taping ng Gimik, Esperanza, Onli in da Pilipins at ASAP. Isali pa ang dance number ko sa APO. All in all, super hectic ang schedule ko. Konting tulog lang, then diretso ulit sa panibagong taping. Halos sa sasakyan na ako natutulog, pero wala naman akong reklamo dahil ginusto ko ito. Nami-miss ko lang minsan ang pakikipagtsikahan sa pamilya ko dahil bibihira ko nang magawa 'yun. Oops, muntik ko na palang makalimutan, kahit sobrang sikip ng schedule ko, nagawa ko pang maging doktor sa kaibigan kong si Joey na writer nitong kolum na ito. Nagkasakit kasi siya last week at ako nga ang naging doktor niya. Ako ang nag-asikaso sa kanya habang may sakit siya. Bago ako tumuloy sa taping ko dumaraan muna ako sa kanya para maipakita naman ang pagtanaw ng utang na loob ko sa kanya."




DECEMBER 1997