MARVIN VS. DIETHER

by: Joey Diego (Moviestar Magazine 12/17/97)



Kung napanood niyo ang special feature ng programang Shobiz Lingo nu'ng nakaraang Sunday, kapwa inamin nina MARVIN AGUSTIN at DIETHER OCAMPO na kailanman ay hindi sila naapektuhan ng intriga at hindi nasira ang maganda nilang friendship sa rivalry nilang dalawa. Kapwa nila sinabing itinuturing pa rin nilang kaibigan ang isa't isa kahit pa naging isyu noon ang kanilang pag-aaway.

Pinatunayan ng dalawa na kailanman ay hindi nasira ang maganda nilang friendship sa rivalry nilang dalawa. Kapwa nila sinabing itinuturing pa rin nilang kaibigan ang isa't isa kahit pa naging isyu noon ang kanilang pag-aaway.

Pinatunayan ng dalawa na kailanman ay hindi nasira ang kanilang friendship. Sila 'yung magkasamang nagsimula kaya sana raw, sa pag-angat ng kani-kanilang career ay sabay din silang magtagumpay.

"Sana, dahil sa ginawa namin ni Diether sa Showbiz Lingo ay tigilan na kami ng mga taong pilit kaming pinag-aaway. Wala naman kasing rason para gawin nila 'yon dahil magkaibigan naman kami ni Diet. Hindi nga lang kami kasing close noon pero sa puso namin ay magkaibigan pa rin kami.

"Maganda nga 'yung may rivalry, 'yung may kompetisyon, pero huwag naman sanang personalin. Iyong iba kasi, nilalagyan ng kung anu-anong intriga ang takbo ng career namin kaya hindi maiiwasang kapwa kami nagre-react kung minsan. Iyon bang ipo-provoke ka ng reporter para magsalita ka. Siyempre, taol lang naman kami na nadadala ng mga sinasabi o tinatanong nila kaya minsan ay nag-re-react kami. Pero sa totoo lang, lagi naman kaming nagkikita ni Diether at nagkakausap, kaya minsan ay nagugulat na lang kami sa lumalabas na balita."

Pagkatapos ng lahat ng intriga sa kanila ni Diether ay walang kaplastikan 'yung sinabi nilang hindi sila naapektuhan at hindi nasira ang friendship nila. Hindi kaya showbiz lang 'yon?

"Sa akin ay walang halong kaplastikan 'yung pagsabi ko noon dahil kailanman ay hindi ako nagalit kay Diet. Kahit kainitan pa nu'ng away-away na 'yon, hindi talaga dahil hindi ko naman pinepersonal 'yung mga pinararating sa akin. Kapag may nagtanong, walang malisya kong sinasagot. Pinalalaki lang talaga 'yung mga salita namin."




DECEMBER 1997