Sa kasalukuyan ay sa City of Pines (Baguio City) namamalagi ang dalawang hottest youngstars ng showbizlandia na sina MARVIN AGUSTIN and Jolina Magdangal. Malamang na abutin nang mahigit dalawang buwan ang pagi-stay nila roon dahil ang kabuuan ng launching movie nila doon kukunan.
Nagsisimula na ngang gumiling ang kamera para sa pelikulang "Okay Ka Lang" under Star Cinema at sa direksiyon ni Jerry Sineneng. At kahit malayo pa ang lugar na kanilang pinagsyusyutingan ay sinugod pa rin namin ito. Gusto kasi naming maging saksi sa paglalambingan ng dalawa kasabay ang malamig na simoy ng hangin sa Baguio kaya hindi na namin inalintana ang layo ng lugar.
Sa pelikula ay magkababata ang papel nina Marvin at Jolina kaya nang sadyain namin ang location ay nadatnan naming kinukunan ang eksenang magkatabing natutulog sa kama ang dalawa, huh! At hanggang sa lumaki nga sila ay dala-dala pa rin nila ang ganoong pag-uugali. Actually maraming nakatutuwang eksena sa pelikula na ngayon pa lang ninyo makikita sa silver screen. Napaka-cute ng story ng movie at tinitiyak naming kapag napanood ninyo ito ay mai-inlove rin kayo.
At habang inaayos ni Direk Jerry ang anggulo ng dalawa sa kamera ay hinila namin sina Marvin at Jolina para isagawa ang aming pictorial especially intended for TEEN Movie Magazine. Thanks to direk dahil nakakahiya man ay lagi niya kaming pinagbibigyan sa aming request.
Nakakatuwa rin ang cooperation nila dahil wala silang kiyeme sa pagpo-pose sa harap ng aming kamera. Ang ganda-ganda ng rapport nila kaya walang kaming naging problema. Sa tingin nga namin ay kaunting panahon na lang ay aamin na rin sila sa kanilang totoong relasyon. Meanwhile, narito ang ilang shots na kuha mismo ng inyong lingkod at kayo na ang humusga sa real score between Marvin and Jolina.