CLAUDINE TALKS ABOUT MARVIN

by: Joey Diego

Kamakailan lang, nasulat namin na attracted sa kanya si Marvin Agustin, kahit may Jolina Magdangal na ito, very open na sinabi ng binata na sa hanay ng mga sikat na youngstars ngayon, kay Claudine siya nagagandahan.
"Did Marvin say that? Naku, it's flattering talaga, kasi naman, Marvin and I are friends, pero what can I say ba? Siguro thanks na lang."


May naririnig pa kami na tila nagseselos daw itong si Jolina sa kanya since na-link ang pangalan ni Marvin sa kanya?
"Naku, hindi ako naniniwala diyan, tsika lang 'yan, kailan lang nagkita kami ni Jolina, I think that was Sunday sa "ASAP". two days pa lang 'yun at wala naman akong nakikitang pagbabago sa kanya, okey naman kami at sa tingin ko wala namang dahilan para magselos siya dahil wala naman kami ni Marvin, kung nasabi man ni Marvin 'yun sa akin, that's his opinion at hindi ko naman papatulan 'yun.
"Saka kaibigan ko si Jolina, ayaw ko siyang masaktan, kaya if ever ma-link sa akin si Marvin, well hanggang doon na lang 'yun," sey pa ni Claudine sa amin.


Ano naman ang masasabi niya tungkol sa binatang napaka-controversial ngayon?
"Well, hanga ako sa pagiging down-to-earth niya, wala siyang ka-arte-arte sa katawan, gusto ko 'yung pagiging responsible niya at 'yung pagmamahal niya sa kanyang pamilya, ibang klase talaga, nakaka-inspire!"



CLAUDINE BARETTO