Itinanong namin sa kanya dung ano ba ang comment niya at kumita ang pelikula ni Jolina Magdangal at Marvin Agustin, samantalang ang kay Angelu de Leon naman ay nag-flop sa takilya. siya naman ay may pelikulang ipapalabas opposite Diether Ocampo at Rico Yan. May feeling ba siya na kikita ang pelikula niya? Paano kung sumemplang ito sa takilya, matatanggap ba niyang naungusan na siya?
"Honestly, masaya ako sa naging resulta ng movie ni Jolina at MARVIN AGUSTIN. They are my friends at happy talaga ako para sa kanila.
"Tungkol naman sa pelikula namin, well I'm hoping na sana kung paano sinuportahan ng mga fans nina MAJ ang pelikula nila, ganu'n din sana ang suportang ibigay sa amin ng mga fans."