MARVIN AGUSTIN GRAND FANS DAY

EXCERPTS

UPDATES

*Marvin Agustin has at least three (3) fans clubs present on his GRAND FANS DAY, namely:

1. SWEET FRIENDS of MARVIN,
2. MATINEE IDOL-MARVIN AGUSTIN, and
3. JPA-MARVIN AGUSTIN FANS CLUB.

*Marvin Agustin, when asked about GIMIK, answered that he will be back again on the show very soon. ABANGAN!!!

*Marvin Agustin was so overwhelmed when he saw huge, sizeable crowd gathered at Ever-Gotesco Recto to join him in his GRAND FANS DAY. Thus, prompting him to say: "Thank you sa inyo. Kung alam niyo lang kung gaano niyo ako pinasaya dahil sa dami ng pumunta dito."

*Marvin Agustin confirmed that shooting of their launching movie (with Jolina Magdangal) will start this coming Monday, May 04, 1998. It will have its location shooting on the City of Pines - Baguio City. They will both be staying there for a month and a half, as in walang babaan. The title of their forthcoming launching movie will be "OKEY KA LANG?"

INTERACTION

Fans were allowed to ask Marvin questions, which he glady obliged.
1. Since he is into both comedy and drama, which does he prefer: comedy or drama?
*According to Marvin, he would like to excel in both fields. He would like to please all of his fans, i.e., drama for those who prefers drama; and comedy for those who prefers comedy. But when he asked his fans, most prefer drama since he is a a very sensitive drama actor.
2. With all the success he is now experiencing, not to mention citations and awards, how important are FANS to him?
*According to Marvin, fans ang "pinaka-importante" sa kanya, it is difficult to quantify in words how important fans are to him, how much he is delighted to see all of them present in his GRAND FANS DAY. The feeling was simply HEAVEN.
3. What is the real score between him and Jolina, are they "on"?
*According to Marvin, "hindi pa ako sinasagot ni Jolina". Although all showbiz observers feel otherwise.

This was followed by four (4) of his fans serenading him with Jessa Zaragosa's Bakit Pa?
Then, another fan came up to wish him and his family GOOD LUCK!

Marvin did two song numbers:

1. Just Once (by: Quincy Jones) - a duet with his eldest sister
2. Love to Love (by: Damage) - solo song number

Marvin then received a plate of special gift - "siomai" from somebody na alam na natin kung sino (Jolina, who else?)
Why "SIOMAI"?
According to Marvin "siomai" to show my love to you.

INTERVIEW (edited)

CF: Ano ang naramdaman mo noong malaman mo, kumpirmado mo na makukulong ang daddy mo?
MA: Siyempre, shock po ako noon. Kasi noon, akala namin okay na po, naayos na po. As in one day, sinabi niya sa amin na mayroon siyang isang kaso naiwanan, so kailangan niyang pagbayaran.
CF: Sa napakabatang edad, sinalo mo ang isang responsibilidad na dapat ay ama ang tumatanggap at gumagawa. Anong yung naramdaman mo at reaction mo na isang umaga nagising ka ma ikaw na pala ang tatay at padre de pamilya ng pamilya mo?
MA: Madami pong pagbabago, alam niyo minsan 'yung pagbabago, kunyari ang pakikitungo ko sa pamilya ko, sa mommy ko, sa mga kapatid ko, iba na ang attitude ko. Pagdating sa bahay, hindi na ako 'yung Marvin na magulo, 'yung Marvin na mapaglaro. Hindi ko po sinasadya pero nabago siya. Siguro pagdating ko sa bahay iniisip ko, paano yung ginagawa ng isang tatay sa isang bahay. Gusto kong ma-gain yung respect, yung pagdidisplina lalo na't may pamangkin po akong bata sa bahay.
CF: Hindi ka ba nagkaroon ng pagkakataon na naawa ka sa sarili mo, nag-self pity ka ba?
MA: Tanggap ko po iyan. Hindi ako nag-self self pity sa mga ganyan. Ang nakakapagbagsak lang sa akin ng sobra pag yung alam mong pagod na pagod ka sa trabaho araw-araw tapos sabay pang sasabayan pa ng problema na hindi dapat problemahin na dahil sa ibang tao nagiging problema.
CF: Dumating din ba yung punto ng buhay na gusto mo na ring sumuko dahil napaka-aga mo para saluhin yung responsibilidad ng daddy mo?
MA: Meron pong time na ganoon. Pero laging ko pong iniisip anong mangyayari kung tatakasan ko ang problema. Hindi ako magiging masaya. Ang pamilya ko makikita kong hindi maayos. Tapos ako, kung tatakasan ko, wala po akong mararating.
CF: Ano naman ang nagsisilbing gasolina't bitamina mo sa buhay para patuloy kang magpatuloy sa lahat ng mga ginagawa mo ngayon?
MA: Mga fans ko po. Lahat ng mga nagtitiwala po sa akin. Pagnakita mo silang ganyan, nakangiti sila makita ka lang, nakakatanggal pagod. Kaya sana po tuloy-tuloy ang pagsuporta niyo po.
CF: Hindi sila magbibitiw sa iyo. At ang pamilya mo naman?
MA: At ang pamily ko po siyempre, nakakarating kami hanggang saan, magkakasama kami, nagtutulungan kami, kaya alam ko na kahit anong mangyari sa akin, nandiyan ang pamilya ko.
CF: Ganoon katibay ang pundasyon.
MA: At siyempre po yung mga kaibigan ko, mga non-showbiz, at showbiz rin.
CF: Sa dinami-dami ng mga trabahong ginagawa mo sa araw at gabi na kapos ka na sa tulog at pahinga, mayroon pa bang panahon ang isang Marvin Agustin sa kanyang personal na buhay?
MA: Masuwerte ako at ka-loveteam ko ang aking ano...
CF: Teka muna, isang araw magkakaroon ka ng sarili mong pamilya magkakaroon kayo ng mga anak. At sana nga si Jolens ang maging mommy ng mga anak mo. Ako ba eh tama sa pagsasabi at sa wish ko at wish din nila na si Jolina ang magiging mommy sa mga baby mo?
MA: Kung ano ang wish mo, kung ano ang wish niyo, ay pare-pareho tayo ng wish.
*The crowd cheers and applauses aloud.
CF: Ayun naman pala.

*Then, Ogie Diaz presented Marvin with a heart-warming and touching letter from Dindo, who happens to be his barkada and one of his bestfriends from way back (Muntinlupa).

CF: Ano na lang ang wish mo na hindi pa natutupad para sa pamilya mo?
MA: Well, alam niyo halos lahat binigay na ng Diyos. Siguro yung makumpleto na lang kami, lahat kami magkakasama at maging stable ka talaga. Kasi siyempre, 19 years old pa lang po ako, may pangarap pa rin ako na makapag-aral. So, makita ko lang sila maging stable, financial, lahat po. So, siguro iyon na iyong time na makapag-aral.
CF: Alam mo Marvin, kami mismo sa CPM, everytime nakikita namin ang pagtagumpay mo, kami ang unang-unang naliligayahan para sa iyo dahil nakita namin ang iyong pagsisikap at hindi ka naman binigo ng Diyos sa iyong mga pangarap. Thank you sa iyo, MARVIN AGUSTIN.



GRAND FANS DAY