COMPANERO Y COMPANERA

DATE: April 05, 1998 (SUNDAY)

Companero y Companera is hosted by Tessie Tomas, with tonight's guest co-host: Julius Babao and Atty.


I. INTRODUCTION.
Marvin Agustin - 19th years old, nagmamaneho ng sariling sasakyan, nakabangga na rin ng iba dahil sa pagmamadali.
Kasama natin ang mainstay ng Esperanza at Onli in da Pilipins, pinarangalan na Best New Actor ng nakaraang Star Awards...MARVIN AGUSTIN.

II. SMOKING.
TT: Si Marvin, hindi iyan naninigarilyo.
MA: At saka marami namang ways para maging cool, sa pananamit, sa lahat, hindi naman sa mga masasamang bisyo.
TT: At hindi kita nakikitang naninigarilyo. Never.
MA: Masama ho iyon. Masama talaga.

III. CHEATING.
TT: Marvin, ikaw ba na-experience mo iyang cheating na iyan?
MA: Ako hindi nag-cheat. Namunit.
TT: Namunit ito ng encyclopedia. Naku, barumbado. Bakit?
MA: Kasi, before, anong bang year ko? First year yata iyon. Kailangan ko mag-research sa Literature namin sa English. Pumunta ako sa library-encyclopedia. Iyong mga barkada ko:"Tara na Marvin, alis na tayo, alis na tayo", may pupuntahan pa kami noon. Wala akong magawa, barkada iyon. Tinanggal ko iyong isang page ng encyclopedia.
TT: Kanino ang encyclopedia?
MA: Sa library. Pinambabayaran sa akin iyong buong set. Eh iyong buong set, isa na, wala ka ng mahanap noon kasi talagang lumang luma na. Pangalawa, mahal. Ginawa ko nag-didikit ako, nag s-scotch tape ng encyclopedia doon sa library namin habang pinagagalitan ng titser.
TT: Pero nakabawi na?
MA: Nakabawi na.

IV. PARENT-CHILDREN RELATIONSHIP
TT: Ang magulang kasi kung minsan, ang tampo naman sa anak, sasabihin: "Mabuti pa yung anak ko nakikinig sa barkada niya, sa akin hindi. Ang sinusunod, ang sinasanto ang barkada. Tama ba iyon, Marvin?
MA: Kasi minsan ho, habang tumatanda kasing ang mga bata, mayroon silang hinahanap na iba't ibang way ng pagdidisiplina sa kanila ng magulang.
TT: Ha?
MA: Kasi, pag nagsimula kang idisiplina, minsan pinapalo ka sa puwet, pinapagalita ka, minsan habang tumatanda iyon bata, mas gusto niyang kinakausap siya ng maayos, iyong parang kaibigan type, kasi mas pumapasok sa utak namin iyong hindi kami pinepre-pressure na gawin mo 'to, gawin mo 'to. Bigyan mo kami ng ideas, mas natututo kami.
TT: Wow!

V. PRE-MARITAL SEX
TT: Tanong natin sa dalawang sikat na sikat na si Marvin at saka si Diether, na alam kong Vina-value ang career niyo. Kung kayo'y makabuntis, anong gagawin ninyo? Ito ba'y sasabihin niyo kaagad, tell the world, at aminin iyon? O itatago iyon nang maprotektahan ang inyong career? Marvin muna.
MA: Una sa lahat, siyempre, pananagutan ko kung ako man ang gumawa nu'n.
TT: Jomari Yllana.
MA: Gumawa ka ng hindi man pangit, hindi man masama, pero kung hindi mo tatanggapin o hindi mo pananagutan, mas masama, mas masama 'yung mangyayari sa iyo. Wala kang gagawin kundi tanggapin. Tapos, kung aaminin mo man, siguro kung makakabuti sa inyong dalawa. Kunyari, may career ka, kailangan magtrabaho pa, siguro, huwag na muna. Di ba?

VI. QUESTION AND ANSWER
TT: Marvin.
MA: Kasi, usually ito lagi kasing tinatanong sa amin ng press, or nangyayari naman kahit sa mga normal na tao. Iyon pag may lumapit sa iyong babae na pinagpipilitan anak mo iyon. Di ba mahirap naman sabihin, kasi, sabihin mo agad hindi ko anak iyan. Pero walang pruwebe, so mayroon bang test na ginagawa para mapatunayan anak mo iyan o hindi mo anak.
ATTY: Siguro ang gustong mangyari ng babae eh i-acknowledge mo na anak mo iyon, hindi ba?
MA: Kung alam mo sa sarili mo na hindi.
ATTY: Unang una, iyong test na sinasabi mo, may sinasabi na Negative test .........

Happy 5th anniversary ABS-CBN Talent Center.

CYC