Unti-unting nahuhulma ngayon ang personalidad ni Marvin bilang isang civic-minded person. Kamakailan ay nagkaroon ng initial launching ang isang kakaiba pero makabuluhan at napapanahong campaign o project, ang Dangal Ng Bata, Dangal Ng Bansa na si Marvin ang napiling mag-spearhead.
"Si Kuya Rudy Santos ang nag-encourage sa akin for that. Isa kasi siya sa nagbubuo noong almost two months ago na ang nakakaraan. My initial reaction was flattered, na may halong pagtataka na tipong bakit ako? Pero nabura kaagad ng sobrang excitement dahil this is somehting new for me na rin. Anything for a good cause, dapat din namang hindi mo pagdadamutan ng atensyon, di ba? Na kahit gaano ka pa ka-busy, kung ganitong hinihingi ng pagkakataon, ano ba naman yung mapaglaanan mo rin ng panahon mo at pagpapahalaga. Mahirap kung tutuusin, pero worth it naman kung iisipin mong mabuti. Kahit papano, ay makatulong para sa kapakanan ng nakararami. At kumbaga, hindi sa lahat ng panahon ay ikaw lang nang ikaw ang hingi nang hingi ng tulong at suporta. Yung magandang takbo ng kapalarang pinanghahawakan ko sa ngayon, malaking bahagi nito'y utang ko sa kaagad-kaagad na pagtatanggap at suportang ibinigay sa akin ng publiko. Kailangan ko ring suklian sa anumang paraang kaya ko."
^Tagumpay ang paunang paglulunsad sa Dangal Ng Bata, Dangal Ng Bansa sa isang public school somewhere in Quezon City recently. Dumalo rin ang ilang government officials na sumusuporta sa naturang campaign project.
"It's vision is to create awareness regarding the importance of parent-teacher interaction para higit pang mapangalagaan ang kapakanan ng mga bata. Siyempre, ang school ang pangalawang tahanan ng kabataan. At ang mga teacher ang tumatayong pangalawang magulang dahil sila ang halos buong maghapong nakakasama during school days. So there's need for a regular communication and close ties or bonding between parents and teachers and make use of PTA organization ng bawat schools. 'Yung ipu-promote ng crusade na ito na, initially dito muna sa Metro Manila tapos eventually expand ito sa iba pang schools sa mga probinsya throughout the country. It's really difficult yet challenging task for us pero talagang pagpupursigihan namin. Wala nang atrasan. Parang isang seedling na naitanim na namin at medyo sumisibol na ngayon so patuloy lang naming didiligan at aalagaan. Sabi nga, ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Hindi lang nga good education or pagpu-provide ng basic needs nila ang kailangang ma-ensure kundi 'yong tamang pagsubaybay din, sapat na pangangalaga at proteksiyon against child abuse, or 'yon ngang exploitation at mga kung anupamang bagay na hindi maganda ang impluwensiyang idudulot sa kanila. Yung involvement ko sa crusade o project na ito, for me ay isang medyo mabigat-bigat na responsibilidad. But if through this I can help people can be a role model sa youth, ibang klaseng fulfillment talaga. Malaking kaibahan doon sa basta ina-idolize ka dahil isa kang medyo kilalang artista, di ba?" nakangiting ending na nasabi ni Marvin.