INITIAL LAUNCHING OF DANGAL NG BATA, DANGAL NG BANSA

by: Ruben Marasigan (Teen Movie Magazine 11/26/98)

Marvin Agustin is getting involved sa isang socially relevant o civic-oriented activity. Kaagad-agad na gumawa ng ingay at naging sentro ng usap-usapan ngayon ang tungkol sa campaign project na Dangal Ng Bata, Dangal Ng Bansa kung saan ang young actor ang napiling mag-spearhead.

At dahil this is something totally new and different for him, hindi na nagdalawang-isip pa ang binata nang buong ningning ay oo agad ang kanyang isinagot sa isang grupo ng PTA na bumuo ng naturang proyekto. Basta umano ganong good cause ay willing siyang maglaan ng panahon at sumuporta.

Kamakailang nga ay ginanap ang initial launching nito sa San Vicente School doon sa may Philcoa. Bukod kay Marvin ay dumalo rin ang ilang government officials na inimbitang maging guest speakers.

Dala ng sobrang tuwa, medyo nagkakagulo't may mga ayaw talagang paawat na tumitili-tili mula sa nagkumpul-kumpol na mga batang estudyante ng nasabing school. Maging ang mga parents naroon at yong mga teachers, majority of them ay na-excite nga rin sa ganoong chance na makasama nila ang isa sa hottest teen idols ng bansa ngayon. Kaya kahit nakabilad man sila sa sikat ng araw, hindi nila ramdam ang mainit na hulab ng kapaligairan.

Kahit naman si Marvin, tumatagaktak na rin ang pawis pero deadma lang. Tingin namin'y enjoy ito sa ganoong activity at kakaibang klaseng experience na first time pa lang niyang naranasan.

During the oath taking ng mga PTA officers, parang pormang politiko ang dating nito. Lagpas alas-dos ng hapon nang simulan ang naturang affair na tumagal hangggang almost 5:00 pm Pagbaba ni Marvin ng stage, naipit pa siya sa gitna ng napakaraming kabataang gustong maka-kiss o magpapirma ng autograph sa kanya.

Mistulang lantang gulay na si Marvin nang nasa loob na ng kanyang sasakyan. Pero matapos ang saglit na pagpapa-presko sa itinodong lamig, mukhang frest at alive na alive na naman ito.

Nakakawalang-paagod din nga naman kasi talaga for him 'yong happy faces ng mga naroon, ang very warm na naging pagtanggap sa kanya ng lahat, maging yong tus-pusong pasasalamat ng mga magulang at teachers sa ipinangako niyang full support at commitment sa nasabing project na tulung-tulong nilang sinisimulan ngayon.

A crusade against child abuse and exploitation na inaasahan nilang makakagising din ng awareness hinggil sa kahalagahan ng pagkakaroon ng regular at close interaction anong parents and teachers, para sa higit na ikapangangalaga ng kapakanan ng bawat bata. For Marvin, ito'y isang very difficult yet challenging task.

Idolo ng kabataan na ngayon'y bilib pati ang mga magulang. Isang magandang ehemplo for the youth ang image ni Marvin. Higit sa kanyang kategorya as one of the hottest young actor ngayon, higit din sa potensiyal niya bilang isang versatile na artista. It's only now through the essence of maturity that Marvin has started bringing out the person in him, a person full of dreams, passion, wisdom, love and humility.


NOVEMBER 1998