Isang malaking hamon for him ang pagkakapili sa kanya na mag-spearhead ng isang sinisimulang campaign project, ang Dangal Ng Bata, Dangal Ng Bansa, na binuo ng nagkaisan gmga guro at magulang.
Kamakailang nga ay ginanap ang initial launching sa San Vicente School sa PHILCOA, QC na dinaluhan ng ilang government officials. Ito'y isang crusade na ang layunin ay maka-create ng awareness hinggil sa importance ng interaction at pagtutulungan ng teachers at parents para sa higit pang pangangalaga at pagbibigay proteksiyon sa kapakanan ng kabataan. Isang kampanya laban sa child abuse at exploitation. Iyon na bale ang mabgugukas ng malawakan nang pakikipag-ugnayan sa bawat PTA officers ng lahat ng paaralan sa MM hanggang sa mai-expand din tio sa iba't ibang probinsiya throughout the country.
"Ang major launching nito will be early next year. And this is something new for me. A difficult yet challenging task na tuluy-tuloy kong paninindigan na. Wala nang atrasan pa. Ang sarap din ng pakiramdam na kahit paano'y may tulong ka ring naiaambag para sa kapakanan ng marami lalo na nga ng mga bata. Basta for a good cause, pipilitin kong makapaglaan ng panahon at suporta."
We were there sa naturang initial launching kung saan pinagkaguluhan talaga siya nang husto ng mga naroong bata. Pata mga magulang labis ang pagkatuwa sa pakikiisa't pagsuportang 'yun ni Marvin.
Hindi lang basta idolo kundi role model nga para sa kabataan. Na bilib din sa kanya pati mga magulang.