Panahon daw ngayon ni Marvin Agustin. Marahil ito raw ang dahilan kung bakit pansamantalang nawawala sa ere ang sikat na matinee idol na si Diether Ocampo. Lately kasi ay kapansin-pansin ang pananahimik ng kampo ng guwapong teen hearthrob.
Totoo ba ito?
"So far, e, maganda naman ang takbo ng career ko kaya, I don't mind du'n sa sinasabi nilang wala na ako sa limelight dahil si Marvin ang nasa limelight ngayon."
Pero mas sikat na raw si Marvin ngayon kesa sa iyo?
"I don't think so, 'coz as far as I know, e, pareho lang ang suportang nakukuha namin sa mga tao.
"Pero siyempre, hindi rin pare-pareho ang mga supporters namin, dahil meron silang kanya-kanyang idolo, di ba?
"So far, kuntento naman ako sa magandang suportang nakukuha ko coming from my fans. Kaya wala akong dapat ikabahala sa sinasabi nilang kesyo mas sikat raw si Marvin kesa sa akin ngayon.
"Patay-malisya na lang ako diyan dahil hindi naman totoo di ba?" pagtatanong niya na amin namang sinang-ayunan.
Gaano naman katotoo na si Marvin na raw ang bagong 'apple of the eye' ngayon ng kanilang mother studio dahil kaliwa't kanan ang mga projects na ibinibigay dito ng ABS-CBN at Star Cinema?
Hindi ba ito kinaiinggitan ni Diet?
"Bakit ko naman kaiinggitan 'yun gayung pareho lang naman ang treatment na ibinibigay sa amin ng Dos at ng Star Cinema?
"I mean pareho nila kaming hindi pinababayaan, pareho nila kaming binibigyan ng mga projects. Like, sa television at sa movies.
"Walang favoritism ang Dos at ang Star Cinema. Pantay-pantay lang ang tingin nila sa lahat ng kanilang talents.
"One thing more, may karapatan din naman pagtuunang-pansin ng aming mother studio si Marvin dahil magaling din siyang artista.
"Honestly speaking, masaya ako sa magandang nangyayari sa career ni Marvin.
"Proud ako sa kanya dahil kaibigan ko 'yan.
"No, hindi ko siya kinaiinggitan o kinaiinsekyuran man lang, as I've said, I'm proud of him," very sincere na wika pa ng aming kausap.
Hindi kaya dahil dito ay magkaru'n sila ng gap ni Marvin?
"Imposibleng mangyari 'yun, e. Magkaibigan kami ni Marvin. Kilala ko siya at kilala niya ako. Hindi kami gano'n kababaw na basta-basta na lang magpapaapekto sa ganyang klaseng intriga.
"Besides, hindi yata ako makapapayag na masira ang friendship namin ni Marvin nang dahil lang diyan.
"Whatever happens, friends pa rin kami. No way na pumatol kami diyan, 'no?"
Ano naman ang reaction ni Diether sa tsikang kesyo mas magaling daw umarte si Marvin kesa sa kanya?
"If that's their opinion, okey lang. I mean, I respect kung ano man ang nasa isip ng ibang tao.
"Kumbaga, no way na i-defend ko ang aking sarili sa isyung iyan. Basta ang importante I know where I stand.
"Besides, hindi magandang buhatin ko ang aking sariling upuan dahil mamaya niyan e, lumabas pa akong mayabang, di ba? So mas maganda siguro kung hindi ko na lang din papatulan ang tungkol sa isyung 'yan. Like what I've said before, marunong akong tumanggap ng mga constructive criticisms as long as makakatulong iyon sa craft ko.
"Nakaka-challenge pa nga ang ganyang klaseng criticisms, e, dahil the more na sinasabi nilang mas mahusay sa iyo si ganito o si ganyan eh, the more na pagbubutihin mo ang pagtratrabaho, hindi ba?