My nangyayaring patutsadahan daw ngayon sa pamamagitan ng kampo nina Diether Ocampo at Marvin Agustin.
Kahit na ilang beses na ring nilinaw ng dalawang parehong sikat na mga young actors na ito na walang dapat na pag-awayan silang dalawa, still may mga tao pa ring pilit na pinagsasabong sina Diet at Marvin.
At dagdag pa rin ng mga nang-iintriga sa kanila na hindi lang naman daw sa movie assignments nakakalamang si Marvin kay Diether pati na raw sa acting awards and recognitions ay llamado pa rin si Marvin kumpara kay Diet.
"Well, siguro, napansin lang nilang medyo sunod-sunod ang mga pelikula daw ni Marvin dahil may pelikula siyang ipinalabas, 'di ba?" umpisang balik-tanong paliwanag ni Diether nang makausap namin ito sa set ng pelikulang Dahil Mahal Na Mahal Kita na kung saan silang dalawa ni Rico Yan ang leading men ni Claudine Baretto.
"Kumbaga, lahat ng atensiyon ngayon in terms of promo, TV guestings at publicity, eh, siya ang napag-uusapan. Kaya nila siguro nasabing medyo napagiwanan na tayo, 'di ba?
"Ang sa akin lang naman, eh, hindi naman importante kung napag-iwanan tayo or what. Basta as far as I am concerned, eh, hindi ko naman naramdaman ang bagay na 'yan.
"I mean, hindi naman tayo basta na lang pinababayaan ng mga taong nasa likod naming pareho ni Marvin, eh. Kumbaga, kung may mga projects si Marvin, eh, meron din naman akon ginagawa, eh.
"At saka, kami ni Marvin, eh, kumbaga, isang bubong lang kami at parang nasa isang pamilya lang kami, 'di ba? I mean, anumang achievement siguro ng isa sa amin, eh, dapat na rin siguro naming ikatuwa, 'di ba?
"Kaya, mali 'yung sinasabi nilang dapat na raw akong ma-insecure dahil napag-iwanan na raw ako ni Marvin," pa-iling-iling pang sambit pa rin sa amin ng sikat na young aktor.
Kumbaga, ilang akting nominations na raw ang natanggap ni Marvin pero si Diether is yet to be recognized ng mga award giving bodies. At ang latest ngang nomination ni Marvin ay ang Star Awards for movies as a new movie actor na kung saan malakas ang laban ni Marvin sa nag-iisang kalaban niyang kasamahan din nilang si Bojo Molina.
Anong masasabi ni Diet tungkol dito?
"Well, tungkol din naman d'yan sa acting awards, eh, honestly talaga, eh, natutuwa ako for Marvin, Bojo and the rest na kasamahan namin na medyo napapansin na ang mga akting nila.
"At least ngayon, eh, nagbunga na rin 'yung ilang araw naming workshop noon, 'di ba? And for me, kailangan ko pa talagang mag-aral at mag-aral pa ng akting talaga.
"Kumbaga, siguro naman medyo mas malalim na rin kahit papaano ang ipinakita kong akting ngayon compared to before na nagsimula pa lamang ako, 'di ba?
"What I meant is, siguro kung ma-e-expose ka lalo sa mga matitinding akting, eh, soones or later I know naman na mapapnsin din nila ako, eh," medyo nahihiya pang pahayag pa rin sa amin ng isa sa sikat nating matinee idols sa kasalukuyan.
"Honestly, talaga, eh, parang...hindi naman siguro inggit ang matatawag du'n, eh," medyo paputol-putol pang sagot pa rin sa amin ng aktor.
"Siyempre, parang sabihin mo sa sarili mo, eh, na sana, eh, darating na rin ang araw na ikaw naman ang mapapnsin, 'di ba? Pero as I have said, I am really happy for Marvin at sa kanilang lahat na napapnsin na ang mga akting nila.
"I know rin naman kasi na pinaghihirapan din nila 'yun, 'di ba? Isa rin naman talaga ako sa napabilib sa kanila, eh, totoo 'yun" buong sinsiridad pang pagtatapos ni Mr. Diether Ocampo.
DIETHER OCAMPO