Ano ang feeling niya sa Star Cinema na mayroon daw yatang favoritism na nangyayari at naaabantehan na raw siya ng mga kasabayan niya?
"I don't think na may nangyayaring ganyan, dahil mismong angTalent Center ang ayaw sa ganyang sistema. Ang katuwiran nila at palaging sinasabi sa amin, ang success ng isa ay success ng lahat. Ngayon, kung sinasabi nilang mas nauungusan na ako ng mga kasama ko, okey lang 'yon, darating din siguro 'yong time ko," paliwanag ni Diether.
In terms of popularity, masyado na raw nakakalamang ang status ng ibang mga kasama niya particularly si Marvin Agustin na kabi-kabila ang ginagawang pelikula at may mga sitcom na panay top rater.
"According ba sa survey 'yan?" pabirong balik-tanong niya sa amin.
"I'm just joking, but I don't mind. I'm happy for him if he is really on top now. Sana, gano'n din sila sa 'kin kasi hindi naman maganda 'yong maging bitter ka para sa success ng iba at saka wala sa akin 'yong pagiging crab mentality, pangit, 'di ba? Ang kailanga, gawin mo ang lahat at magsikap ka para makaangat ka. Maganda 'yong pinaghihirapan 'yong pag-akyat para masarap ang feeling, 'di ba?" nakangiting sabi ng binata.