DIETHER ACCUSES MARVIN'S CAMP

by: Ador Saluta

May isang kampo raw na ginagamit ang kanyang pangalan para lamang iangat ang pangalan ng kanyang "karibal." Kahit hindi galing sa bibig ni Diet na si Marvin Agustin ang gusto niyang tukuyin, basang-basa 'yon ng mga press people na dumalo sa kanyang special presscon sa may Dulcinea. Feeling kaya ni Diet na ang mga writers na kumakampi kay Marvin ang siya ring tumutuligsa sa kanya?

"Minsan kasi 'pag hindi mo sila pinapansin, gumaganti sila sa 'yo. Kasi hindi naman sa lahat ng pagkakataon kailangan mo silang asikasuhin. Ang ini-explain ko lang, sana maintindihan nila ang trabaho namin. Hindi naman porke't sumigaw ng cut 'yung director tapos na 'yung obligasyon namin. We have to prepare for the next scenes. Bukod sa iskrip, ihahanda pa namin 'yung damit, 'yung props na kakailanganin. Kadalasan din napapagod kami. Hindi nila maintindihan na mahirap itong ginagawa namin. 'Tapos, sasabayan pa nila ng ganoon-ganu'n? So teka muna, 'di ba? aniya niya.

Minsan daw ay nahahalat ni Diet na siya'y ginagamit ng iba para pagsalitain at the expense of the other.
"'Yung iba they're using you para mapasikat 'yung alaga nila. Parang ganoon. Ang dami nila reasons, eh."
Aware kaya si Diet na pag iniintriga sila'y meaning sikat na silang pareho? Bibihira naman talaga sa mga young actors ang pinapatulan ng mga writers para maisulat, 'di ba?
"Napa-paranoid kasi ako, eh. Parang iniisip ko na itong gagawin ko will eventually ma-misinterpret na naman ako. Kung mali ba 'tong gagawin ko...itong sasabihin do...'Yon lagi nga iniisip ko," katuwiran ni Diet.

DIETHER OCAMPO