Para sa kaalaman ng lahat, unang nagtagpo sina Marvin at Jolina sa UPDiliman School. Nagsisimula ng mag-artista noon si Marvin at blessingin disguise, nag-enroll noon si Marvin para sa kursong Theatre Arts nangmakita niya si Jolina na mag-e-enroll din. Patapos na si Marvin,samantalang magsisimula pa lang si Jolinang mag-enroll. Nagkatinginansila pero walang pormal na pagkakakilanlanang nangyari.
Una pa lang silang nagkita ay na-attract kaagad si Marvin kay Jolinapero hanggang doon lang 'yon dahil may name na rin si Jolina that timekaya parang naiilang si Marvin na kausapin siya dahil baka nga isnabinsiya nito. Summer of 1995 noong una silang magkita.
Unang kita pa lang niya kay Jolina ay na-cute-an na siya rito. Ibangklase raw ang babaeng 'yon. Talagang mapapa-second look ka sa kanyaalthough hindi naman daw ganu'n kaganda si Jolina.
Naging regular member din siya ng Gimik. Nasa ASAP sila ng mulingmag-meet. Pareho silang guest noon kaya nu'ng magkita sila that day aysi Marvin ang unang lumapit kay Jolina. That was their very firstmeeting at komo nga hindi pa gaanong kilala si Marvin, ang initialreaction ni Jolina ay tipong so and so lang.
Naging makulay ang mundo ni Marvin nang malaman niyang makakasama niyasi Jolina sa Star Drama ni Judy Ann Santos. Iyon 'yung very firstepisode ni Juday sa Star Drama. Excited ang binata dahilkumakabog-kabog na ang puso niya noon. Okay naman ang naging resulta nguna nilang pagsasama dahil madali silang nagkagaanan ng loob.
Doon nagsimula ang pagiging magkaibigan nila. 'Yon 'yung panahongnagbi-beep na si Marvin kay Jolina pero hindi pa niya sinasabi ang tunayniyang nararamdaman.
Sumunod na pagkikita nila ay nu'ng kunin silang dalawa para mag-promoteng Hunchback of Notredame. Madalas silang magkasama sa promo kaya atease na sila sa isa't isa. 'Yon na rin 'yung time na medyo nakikilalana ni Jolina si Marvin nang husto at 'yon na rin ang naging basehan paragawin silang magka-love team.
Nagkaroon ngayon ng idea ang Gimik na isama roon si Jolina bilang loveinterest ni Marvin. Actually, si Marvin talaga ang dahilan ngpagkakapasok ni Jolina sa Gimik. Si Marvin ang humiling na kung puwedeay si Jolina na lang ang maging ka-love team niya dahil gustung-gustoniya ito. Nagkakasama rin sila madalas sa ASAP. Ito na rin 'yung timena nagbibigay ng tips si Jolina kay Marvin sa tamang pagdadamit at kunganong kulay ang bagay sa kanya. Kung baga, 'yon na 'yung time na parangsila na talaga although close lang sila.
Nu'ng mag-remote telecast ang Gimik sa Baguio, lalong naging close sinaMarvin at Jolina dahil sa episode na 'yon. Sila ang naging sentro kayamadalas silang magkasamang dalawa sa bawat eksena kaya naging saksi angmalamig na simoy ng hangin sa Baguio sa pagiging super close ng dalawa.Doon nagtuluy-tuloy ang love team ng dalawa hanggang masundan na ito ngMaalaala Mo Kaya, Flames, Star Drama at kung anu-ano pa.
Supposed to be ay 'yung Huling El Bimbo na launching movie ni Jao Mapaang una nilang magiging pelikula pero dahil sa dami ng naging proablemaay hindi na ito natuloy. Instead, ibinigay sa kanila ang Flames, TheMovie sa episode na Tameme na idinirek ni Jerry Sineneng. Kaya si DirekJerry ang naging ninong ng dalawa. Mula noon ay si Direk Jerry na angnagdidirek sa dalawa dahil itinuring na niyang baby ang dalawa.
Sa Flames din nagsimulang magpasaring at manligaw si Marvin kay Jolina.Halos araw-araw kasi ay magkasama sila, kung baga ay na-develop nanghusto si Marvin sa kabaitan ni Jolina.
Sa pagdaan ng panahon, lalo silang nagiging close. Hindi man silatuwirang umaaming nagkakagustuhan na ay nakikita naman sa mga kilosnila. Of course, kasama na rin doon 'yung konting tampuhan atgalit-bati nilang relasyon kahit hindi pa sila. 'Yon din 'yung time naumaakyat na ng bahay ni Jolina si Marvin at okay naman sa pamilya ngdalaga dahil nababaitan sila sa binata at humahanga sa pagigingresponsable nito. Wala naman talagang naging problema si Marvin sapamilya ni Jolina.
Sa pagiging blockbuster ng movie nila, sinasabing sila raw ang nagdalakahit naroon sina Claudine at Rico. Iba raw kasi ang karisma ngdalawa. Nagkaroon tuloy ng idea ang Star Cinema na bigyan sila nglaunching movie pero bago pa 'yon, ginawa nila 'yung Kung Ayaw Mo, HuwagMo kung saan naging co-star nila sina Maricel at William na tinatayangsusundan nila ang kasikatang tinamo nu'ng kapanahunan ng dalawa.Sinasabing kikita nang husto ang pelikulang ito dahil sa napakagandangcast. Sa ngayon ay patuloy pa rin nilang tinatapos ang movie at 'yonnga, sisimulan na 'yung bagong pelikula nina Marvin at Jolina na kukunansa Baguio ng isang buwang walang babaan. Ngayon pa lang ay hinuhulaangmaraming patataubin na love team ang dalawa. Ayon sa psychic,lalampasan pa nila ang kasikatan ng Judy Ann-Wowie love team. Marami narin naman ang gustong bumuwag sa love team nila pero walangnagtagumpay. Ibig sabihin, hindi nila kayang buwagin ang staying powerng dalawa dahil may nakalaang malaking pagbabago sa love team nila kayaabangan ang napipintong pagsikat nang husto ng tambalang malapit ngmaging totoo sa tunay na buhay.