by: Joey Diego (Teen Movie Magazine 04/30/98)


Hindi namin inaasahang makukunanan namin ng litrato ang ginawang pagtanggap nina MARVIN AGUSTIN at Jolina Magdangal sa parangal na most promising male and female youngstar ng Guillermo Mendoza Memorial Awards noong nakaraang April 15 na ginanap sa UP Theater.

Dinalaw kasi namin ang dalawa sa set ng Onli in da Pilipins at nalaman namin sa kanila na noong mismong araw ding 'yon ang awards night na dadaluhan nila kaya nagpasya na lang kaming sumama sa kanila kesa maghintay kami sa studio dahil babalik din sila kaagad after the awards dahil tuloy pa rin naman ang taping nila.

Sa loob ng UP Theater ay tilian nang tilian ang mga fans nang makita nila sina Marvin at Jolina. Naroon din sina Bobby Andrews at Angelu de Leon pero mas malakas ang tilian sa dalawa lalo na nu'ng kumanta ang mga ito bago sila parangalan. Cute na cute silang tingnan habang kinakanta ang duet nilang TL AKO SA IYO.

Klik ng klik ang aming camera sa pagitan ng dalawa habang nasa loob ito ng UP Theater kaya naman tuwang-tuwa sa amin ang hottest loveteam dahil hindi namin sila tinigilan hanggang hindi namin sila tinigilan hanggang hindi kami nagsawa sa kakukuha sa kanila.

Maaga ring umalis ang dalawa dahil kailangan nilang bumalik kaagad sa set ng Onli in da Pilipins kung saan pansumandali silang umalis upang tanggapin ang award na 'yon.

To Marvin and Jolina, our congratulations from TEEN Movie Mag family!

SPEECH
PICTURES



APRIL ARTICLES