Natutuwa po kaming lahat lalong-lalo na ang Star cinema dahil punumpuno po ng tao ang sinehan. Then the following day, sa regular showing ng aming movie with Ate Maricel Soriano and Kuya William Martinez, nag-theater tour kami sa ilang selected movie houses at nakaka-flatter ang response ng mga tao.
According to Star Cinema, naka-gross daw kami ng P4M sa opening day nu'ng Wednesday to which masasabi na rin nating naka-hit na naman kami. But before the showing ng movie, abut-abot ang dasal ko sa Itaas na sana'y mag-hit kami ulit sa KAMHM, tulad ng naging tagumpay ng Flames, noon.
Nauna po dito ay ang katakut-takot na promo na isinagawa namin ni Jolina. Through this column, nais ko rin pong iparating ang aming pasasalamat sa fans namin ni Jolina na nagpunta sa SM Fairview nu'ng ginawa namin do'n ang fans day namin last Sunday, February 22, mga alas-tres ng hapon. Kasama rin po namin sa okasyong ito sina Ate Maricel at Kuya William. Nagpapaumanhin din po kami sa mga taong nasaktan dahil sa tulakan at balyahang nangyari last Sunday. Marami pong hinimatay. Salamat naman at eveready ang mga tao sa SM-Fairview at sa mga security guards sa mga ganu'ng pagkakataon o insidente. Wala naman pong grabeng nangyari.
Pero nu'ng February 23, Monday iba namang experience ang nangyari sa amin in connection with the movie's promo. 'Yun nga po, sa Mandaluyong kami sa Ever-Gotesco kung saan ini-held ang APO. Nagkagulo rin po kami nu'ng araw na 'yun.
May isa kasing fan na lalaki na biglang nanghipo. Hindi po ako ang hinipuan kundi si Jolina. Sabi'y dinakma raw ng manyakis na 'yon ang boobs ni Jolina. Sinuntok ni Daddy Jun (Magdangal) 'yong lalaking fan na nambastos kay Jolina.
Nabigla ako noon. Hindi agad ako nakakilos. Bigla kasi ang mga pangyayari. Pero, naayos naman ang gulo at balita ko'y ikinulong nila 'yong manyakis.
Siyanga pala, dumating 'yong sister ko galing sa Singapore noong day ng premiere night namin. Isinama ko siya sa panonood with my mom na palaging nanonood ng mga premiere night ko. Tuwang-tuwa naman sila sa outcome ng movie. After the premiere night, trineat ko 'yong family ko to a dinner. Hindi na nakasama si Jolina dahil meron ding affair ang Star Cinema that night.
Well, bago ko makalimutan, laking pasasalamat ko po sa mga member ng PMPC na humirang sa akin para maging isa sa mga nominee for New Male Actor of the Year. Dito lang po ay tuwang-tuwa na ako. Isang malaking karangalan na ang mapili bilang isa sa mga nominee. Alam ko, si Bojo Molina ang makakalaban ko this coming awards night ng Star Awards. For Bojo, pare, may the best man win na lang, 'di ba?
Kung anuman ang magiging resulta, okey na rin sa akin. Kasi, I wouldn't mind losing to a talented guy like Bojo. Masipag ang taong 'yan at tulad ko, nagsikap kami pareho para marating namin ang aming kinalalagyan sa ngayon.
Kaipokritahan naman siguro kung sasabihin kong 'di ako umaasa. Kaya lang, sino man sa amin ni Bojo ang manalo, irerespeto namin 'yon. Tutal, pareho naman kaming nasa Talent Center and for all you know, Bojo is one of my firends, kung hindi niyo pa alam.
Ano kaya, kung mag-tie na lang, 'di ba? Biro lang po 'yon.