April 26, 1998

Halos lahat po tayo ay mayroon pang hang-over sa nakaraang Holy Week and I'm sure, tulad n'yo, tulad ko rin, naging banal ang mga nakaraang pagdiriwang ng ating Mahal Na Araw. Of course, shut down lahat ang mga teyping at trabaho natin last week. hindi naman kami kailangang mag-teyping last week dahil gumawa na kami ng advance noong nakaraan.

Kung gusto n'yong malaman kung ano ang nangyari sa akin noong nakaraang Mahal Na Araw, as usual, traditional na po na every Lenten Season, sa bahay lamang kami pumipirmi. Kasi nga, may pamahiin ang mommy ko na huwag na huwag kaming maglalakwatsa sa araw na 'yon dahil ito 'yong buong Linggo na naghirap ang ating Panginoon dahil sa ating lahat, to the point na ibinuwis Niya ang kanyang buhay matubos lamang tayo sa ating mga kasalanan.

'Yun na nga, sama-sama kami sa bahay, sa may Don Antonio Heights (Fairview) at wala kaming ginawa kundi ang manood ng religious tapes, 'yong iba naman ay 'yong mga past movies na na-missed kong panoorin sa theaters like 'yong mga past movies ni Leonardo DiCaprio. Basketball Diaries, Marvin's Room, and many more. Tuwing hapon nama'y we see to it na nakakapagsimba kami, almost mga hapon at gabing mass.

Siyanga pala, next week, aakyat na kami ng Baguio para umpisahan na 'yong movie namin ni Jolina, 'yong OKEY KA LANG. Kaya lang tentative title pa yata dahil mayroon yatang pagbabago sa title. Kung mayroong pagbabago sa title, may magandang pagbabago naman sa shooting schedules. Tulad nang napag-usapan, kami ni Jolina ay hindi puwedeng one-month straight na mag-i-stay sa Baguio dahil nga may regular shows kami, itong Esperanza, at ang Onli in Da Pilipins.

I think, we're allowed by Talent Center to shoot Fridays, Saturdays and Sundays at Mondays to Thursday, saka naman kami magti-tape for our regular program.

Through this column, nais ko rin pong pasalamatan ang mga award-giving bodies na nagkaloob sa akin ng mga recognitions before and the FAP naman this coming awards night dahil sa ni-nominate nila ako bilang best supporting actor dahil sa role ko sa Ipaglaban mo. Sana naman ay huwag na silang magsulat tungkol sa pagko-compare nila sa akin sa ibang co-actors ko na kesyo, nakalamang na raw ako dahil sa magkakasunod na awards na natatanggap ko. Like I said, may kanya-kanya naman kaming mga achievements. Meron silang nagawa na hindi ko pa nagagawa and likewise, nagkaroon din ako ng chances na sa palagay ko ay nasusuwetihan lamang. Masuwerte lang siguro ako sa taong 'to, like maganda ang timing ng Flames the Movie, dahil dito ko nakuha ang first nomination ko and also sa Ipaglaban Mo, which is my second movie wherein FAP naman ang nagkaloob sa akin ng recognition. This coming FAP...of course, optimistic ako sa magiging resulta. But whoever wins sa gabing 'yon, I would be rather glad after all dahil 'di naman basta-basta ang mga nakalaban ko sa best supporting acator category. I'm hoping I might win, of course. Kaipokritahan na siguro ang sabihin kong hindi dahil nga i also give my best sa movie na 'to. Kung mananalo, masaya, kung hindi, okey din, 'di ba? Pero, gusto ko ring malaman ng mga tao na masarap ang feeling na kahit na nominee ka lang ay andoon ang fulfillment na napapansin pala ang effort mo kahit papaano. It's an inspiration sa mga darating pang mga project dahil you tend to give your best.

Kaya lang, minsan may isang reporter na nagtanong sa akin kung iniisip ko ba ang isang award everytime na umaakting ako? Ang sagot ko sa kanya, sa bawa't role na ginagampanan ko o inoofer sa akin, lagi kong iniisip na pagbutihin ang mga ginagawa ko dahil producers paid my services for it. 100% ang ibinayad sa akin, walang labis, walang kulang, kaya't ganu'n ding trabaho ang isusukli ko sa kanila. Now, kung mapapansin ng mga award-giving bodies ang nagawa ko, in my own little way, nagpapasalamat pa rin ako sa kanila. Sa akin kasi, secondary na 'yong award.

Si Jolina? Okey naman po siya. Madalas akong bumibisita sa kanyang Jolina's Fashion Gallery sa may Project 6. Minsan, may isina-suggest akong designs sa kanya at at nagugustuhan naman niya ito. Madalas, ako ang nagka-cut ng mga sobra-sobrang ribbons sa kanyang mga miniature dolls, kaya nagupit ko tuloy ang daliri ko one time. Masarap palang magdrama. Akala kasi ni Jolina, ang sakit-sakit ng pagkakagupit sa daliri ko. Although dumugo ng konti, nag-emote-emote ako. taranta tuloy siya sa akin. Akala niya, ganu'n na kasakit at kalala ang nangyari sa kamay ko. Happy naman ako 'pag nakikita ko siyang natataranta dahil napi-feel ko 'yong pagki-care niya. Maganda po ang resulta ng boutique ni Jolina. Halos maubusan sila ng paninda dahil dinudumog ang kanilang shop, mostly ay mga kabataan at mga estudyante. Masarap magtambay sa kanyang shop, actually.

With this, namamaalam na po ang inyong lingkod at iniimbitahan ko kayong lahat na dalawin din ang shop ni Jolina sa Rd. 2 Project 6, Quexon City.

Mahal ko po kayong lahat at sana'y huwag kayong magsasawa sa pagbabasa ng aking kolum at sa pagsuporta.

Love,
Marvin



MARVIN'S CORNER