Supposedly, back-to-work sana kami nu'ng Monday, kaya lang, nahulog sa hagdan si Jolina at natapilok. Nahihirapan daw siyang tumayo kaya't imposibleng makapag-resume pa ng teyping. Dinala namin si Jolina sa ospital para ipa-check-up. Minor injury lang kaya pinauwi din siya kaagad.
So nung Wednesday, nag-pictorial naman kami para sa isang magazine. Inabot din kami ng four hours sa pictorial na iyon. Bago umuwi, dumaan muna ako sa Ritratto shop para bumili ng ilang damit na gagamitin ko sa taping. Then, kumain muna kami sa Megamall bago unuwi ng bahay. Siyanga pala, maraming nagre-request na magkaroon kami ng fans day. Sa totoo lang po, matagal na rin naming balak na magkaroon ng ganitong pagtitipon para naman magkita-kita tayong lahat kahit na ilang beses sa isang taon. I'm trying hard na magkaroon ng ganitong meeting as soon as possible. Kaya lang, pag-uusapan muna namin ito ng manager ko with Tito Nars Gulmatico, my assistant manager at sa mga PRO ko. Sana, kung matutuloy man, gusto ko sa May, after the election. kasi nga, after May, tag-ulan na at mahirap nang magkaroon ng mga pagtitipon under the sun.
Oo nga, ano! Timing din ito sa promotion ng aming launching movie ni Jolina na gagawin namin sa Baguio next week. Doon kasi ang location namin. Ang tentative title ay OKAY KA LANG? But I heard, meron itong mas angkop na title. I;d say na isa itong pampamilya, good movie at ipa-poattern yata sa isang old movie nina Sharon cuneta at Gabby Concepcion noon pa, nu'ng mga bata pa sila at hindi pa nagiging husband and wife. With this, gusto ko pong humingi ng inyong suporta sa nalalapit naming launching movie ni Jolina. siyempre, kahit papaano, ninernerbiyos kaming dalawa dahil nga mayroong krisis ngayon sa ating industriya. Pero, ang sabi nga nila sa amin, as long as you have a good movie in your hands, wlang dapat ikabahala.
We're relying on your support, at sa Diyos siyempre. Special mention sa GMMFI, na nagbigay sa akin ng karangalan bilang Most Promising Male Actor sa nakaraan nilang gabi ng parangal. Next week, April 25, ang FAP kung saan ako nominated for best supporting actor. This time, hindi na po ako ninenerbiyos. Manalo man o matalo masaya ang feeling dahil nakahilera ko ang mga magagaling as co-nominees. May the best man win na lang,'di ba? Bood luck na lang sa ating lahat. See you next week.
Love,
Marvin